Hunter's Woods PH

Montessori Filipino

Mga Uri ng Pang-uring Pamilang

A Filipino lesson on the uri ng pang-uring pamilang (kinds of quantitative adjectives) namely patakaran (kardinal), panunuran (ordinal), pamahagi, pahalaga, palansak, and patakda, plus free worksheets to help with mastery.

Mga Uri ng Pang-uring Pamilang at Halimbawa Nito

This uri ng pang-uring pamilang video can also be downloaded as presentation slides for free here: Uri ng Pang-uring Pamilang PPT 

1. Patakaran (Kardinal)

Ito ay nagsasaad ng aktuwal na bilang ng pangngalang tinutukoy nito, gamit ang mga basal na bilang o numeral. (This indicates actual quantity.)

Halimbawa: isa, dalawa, tatlo, apat, lima, walong daan, sampung libo

2. Panunuran (Ordinal)

Ito ay nagsasaad kung pang-ilan ang pangngalan, o ang posisyon nito sa isang pagkakasunod-sunod. (This indicates the position of someone or something in a series.)

May dalawang panlapi na karaniwang ginagamit sa pagbuo ng mga pamilang na panunuran: ika- at pang-. (In Filipino, there are two affixes that can be used to make an ordinal adjective: ika- and pang-.)

Halimbawa: una, pangalawa/ikalawa, pangatlo/ikatlo, pang-apat/ika-apat, panglima/ikalima

3. Pamahagi

Ang pamilang na pamahagi ay may dalawang uri (there are two types of pamilang na pamahagi):

  • ang pamilang na bahagi ng kabuuan (indicates a part of a whole)
    • maaaring bahagimbilang o hating-bilang (can be a fraction) o bahagdan/persentahe/porsiyento (or percentage)
    • halimbawa: kalahati (half), sangkapat (one-fourth), limang-kawalo (five-eighths), dalawampung porsiyento (20 percent)
  • ang pamilang na nag-uukol sa dalawa o higit sa dalawang tao o bagay, gamit ang unlaping tig- kung pantay ang hatian (indicates allotment to two or more persons or things, using the prefix tig- to indicate equal distribution)
    • halimbawa: tig-isa (one each allotted to two persons), tig-iisa (one each allotted to more than two persons), tiglima (five each allotted to two persons), tiglilima (five each allotted to more than two persons)

4. Pahalaga

Ito ay nagsasaad ng halaga (katumbas na pera) ng isang bagay. (This indicates the monetary value of a thing.)

Halimbawa: Talaga? ‘Yan, sandaang pisong bag? (Really? That is a hundred-thousand-peso bag?)

5. Palansak

Ito ay nagpapahayag nang bukod na pagsasama-sama ng mga tao o bagay. (This kind of adjective is used when discrete nouns are grouped together.)

Itinutukoy nito ang bilang na bumubuo ng isang pangkat. (This indicates the number of people or things in a group.)

Pwede rin itong nagsasaad ng isahan. (It can also indicate singularity.)

Halimbawa sa pangungusap:

  • Isa-isang tinawag ng doktor ang mga pasyente. (The doctor called the patients one by one.)
  • Dose-dosena kung bumili ng aklat si Ate. (Ate buys books by the dozen.)
  • Dalawahan lang ang kasya sa loob ng traysikel. (Only two [persons] can fit inside the tricycle.)

6. Patakda

Ito ay nagsasaad ng tiyak na bilang ng pangngalan na hindi na madadagdagan o mababawasan pa. (This indicates a specific quantity that cannot be increased or reduced.)

Halimbawa: iisa (only one)

Uri ng Pang-uring Pamilang Worksheets

The next section contains self-correcting worksheets on uri ng pang-uring pamilang that can be answered on this page (online).

Note on the Worksheets

You can reduce the size of the worksheet by zooming out your browser screen. For Windows users, scroll down the mouse wheel while pressing the Ctrl key in your keyboard.

Uri ng Pang-Uring Pamilang Worksheet for Grade 1: Patakaran (Kardinal)

Uri ng Pang-Uring Pamilang Worksheet for Grade 2: Panunuran (Ordinal)

Uri ng Pang-Uring Pamilang Worksheet for Grade 3: Patakaran at Panunuran

Uri ng Pang-Uring Pamilang Worksheet for Grade 4: Patakaran, Panunuran at Pamahagi

Uri ng Pang-Uring Pamilang Worksheet for Grade 5: Patakaran, Panunuran at Pamahagi

Anim na Uri ng Pang-Uring Pamilang: Worksheet for Grade 6

Did you enjoy these worksheets on uri ng pang-uring pamilang?

Answer these Filipino worksheets next!

Check out the Montessori-inspired resources available here for free.