Pangngalan = noun
Pantangi = proper [noun]
Pambalana = common [noun]
Ang pangngalang pantangi ay tumutukoy sa tiyak na ngalan ng tao, bagay, hayop, pook o pangyayari. Ito ay nagsisimula sa malaking titik.
A proper noun is a word that names a particular person, thing, animal, or place. It is usually capitalized.
Ang pangngalang pambalana ay tumutukoy sa karaniwan o di-tiyak na ngalan ng tao, bagay, hayop, pook, o pangyayari. Nagsisimula ito sa maliit na titik, maliban lang kung ito ang simula ng isang pangungusap.
A common noun is a word that refers to a person, place, animal, thing, or event. It is written in small letters, unless it is the beginning word of a sentence.