Hunter's Woods PH

Montessori Filipino

Mga Pang-angkop (na, -ng, -g)

Simple lesson on mga pang-angkop (na, -ng, -g) with a video presentation, 30+ examples each, and free worksheets for elementary kids.

In this page, you will find:

  1. Quick lesson on pang-angkop
    • Video presentation with link to pang-angkop PPT download
    • Tatlong uri ng pang-angkop with examples in both Filipino and English
    • More examples of phrases with pang-ankop na, -ng, -g
  2. Pang-angkop exercises (self-correcting online worksheets with links to download PDF versions)

Pang-angkop Video Presentation

Play Video

This video can also be downloaded as slides here: Pang-angkop PPT Download (Free) 

Pang-angkop (na, -g, -ng)

Ang pang-angkop ay isang bahagi ng pananalita na nag-uugnay sa salitang naglalarawan (o panuring) at sa salitang inilalarawan nito. (Pang-angkop — called ligatures or connectors in English — are a part of speech that connects a modifier, like an adjective or an adverb, with the word that it describes.) 

May tatlong uri ng pang-angkop (there are three pang-angkop):

  • na
  • -g
  • -ng

na

  • Ito ay ginagamit kapag ang salitang sinusundan nito ay nagtatapos sa katinig maliban sa n. (This is used if the preceding word ends in a consonant except n.)
  • Isa itong hiwalay na salita na inilalagay sa pagitan ng panuring at ng salitang tinuturing. (It is a separate word that is placed between the modifier and the word that it describes.)
  • Halimbawa:
    • apat na antas (four levels)
    • tagumpay na nagniningning (shining victory)

-g

  • Ito ay ginagamit kapag ang salitang sinusundan nito ay nagtatapos sa letrang n. (This is used if the preceding word ends in the letter n.)
  • Isa itong hulapi na kinakabit sa dulo ng naunang salita. (It is a suffix that is added to the preceding word.)
  • Halimbawa:
    • bayang magiliw (beloved nation)
    • pinilakang tabing (silver screen)

-ng

  • Ito ay ginagamit kapag ang salitang sinusundan nito ay nagtatapos sa patinig. (This is used if the preceding word ends in a vowel.)
  • Isa itong hulapi na kinakabit sa dulo ng naunang salita. (It is a suffix that is added to the preceding word.)
  • Halimbawa:
    • lupang hinirang (chosen land)
    • tatlong bibe (three ducks)

Mga Halimbawa ng Pariralang May Pang-Angkop

na

aklat na pambata
anak na babae
anim na buwan
apat na sulok
bahay na bato
dilaw na prutas
ilaw na tumatanglaw
ilong na pango
kahoy na sandok
kamay na bakal
kontrobersyal na isyu
langit na bughaw
likas na yaman
mababaw na rason
mahal na araw
mahirap na buhay
makulimlim na kalangitan
malalim na Tagalog
maliit na bagay
manok na panabong
masakit na katotohanan
matangos na ilong
matulis na lapis
pagsulit na may pagpipilian
panghalip na pamatlig
siyam na diwata ng sining
tanong na retorikal
tapat na naninilbihan
tulay na kawayan
tuwid na daan

-ng

alagang baboy
asong gala
dalagang bukid
bagyong Yolanda
balitang kutsero
bolang kristal
dalawang mata
isang kahig, isang tuka
kanilang tungkulin
konting tiis
larong Pinoy
libreng bakuna
limang misteryo
lupang hinirang
mabuting tao
malaking bahagi
mukhang pera
pamilyang Pilipino
pitong taon
planong pinansyal
pusang kalye
puting buhangin
sampung utos ng Diyos
sariwang hangin
sayang pula
tatlong bibe
tortang talong
tsismosang kapitbahay
walong sinag ng araw
wikang pambansa

-g

balong malalim
baong tinapay
bayang magiliw
biglaang pag-ulan
dahan-dahang naglakad
dahong tuyo
digmaang pandaigdig
hanging habagat
ibong itim
kahong malaki
kaibigang tunay
kailangang gawin
kaning pula
kanlurang Asya
karaniwang tao
karapatang pambata
lingguhang palabas
madamdaming kwento
mahanging lugar
mahiyaing mag-aaral
makabuluhang araw
masayahing bata
maulang umaga
paaralang pambayan
pamahalaang lokal
pinsang makalawa
sabong panlaba
taunang perya
taun-taong pagbaha
ulirang ina

Worksheets

The next section contains self-correcting worksheets on pang-angkop that can be answered on this page (online).

You can also download printable versions of the following pang-angkop activity sheets:

Pang-Angkop Worksheet for Grade 3

Pang-Angkop Exercise for Grade 4 and Grade 5

Did you enjoy these worksheets on pang-angkop?

Answer these Filipino worksheets next!

Check out the Montessori-inspired resources available here for free.