Whether you’re a student doing self-review, a teacher preparing review materials for your class, or a parent looking for resources to help your child, this comprehensive compilation of Araling Panlipunan (AP) questions will surely be helpful to you as you get ready for the National Achievement Test (NAT) for Grade 6 and/or the Science High, University of the Philippines (UP), and other high school entrance examinations. These questions were taken or based on the self-learning modules of the Department of Education (DepEd) and are in Filipino/Tagalog.
Further below, you can download a printable (PDF) copy of the questions with their answers. The questions are divided into 4 sets (Set A to D) and the answer key is found on the last page of each PDF.
See also: Math Reviewer: 150+ Questions for NAT and High School Entrance Exam
See also: Science Reviewer: 450+ Questions for NAT and High School Entrance Exam
Good luck!
Before going into the reviewer questions, here are some Araling Panlipunan (AP) lessons here in our website that you might find useful:
Majority of the questions in this section are from Grade 4 Araling Panlipunan (AP) lessons.
1. Ang Pilipinas ay isang _____.
a. bansa
b. siyudad
c. lungsod
d. probinsya
2. Ilang elemento ng pagkabansa ang taglay ng Pilipinas?
a. isa
b. dalawa
c. tatlo
d. apat
3. Ito ang tawag sa taglay na kapangyarihan ng Pilipinas na pamahalaan ang nasasakupan nito.
a. tao
b. teritoryo
c. soberanya
d. pamahalaan
4. Ang teritoryo ng Pilipinas ay binubuo ng _____ malalaki at maliliit na pulo.
a. 7 101
b. 7 190
c. 7 641
d. 7 601
5. Ito ang tawag sa grupong naninirahan sa loob ng isang teritoryo.
a. tao
b. bansa
c. soberanya
d. pamahalaan
6. Ito ay isang samahan o organisasyong politikal na itinataguyod ng mga grupo ng tao na naglalayong magtatag ng kaayusan at magpanatili ng sibilisadong lipunan.
a. tao
b. bansa
c. teritoryo
d. pamahalaan
7. Ang sumusunod, maliban sa isa, ay mga elementong taglay ng Pilipinas upang ituring itong isang bansa. Alin ang HINDI?
a. tao
b. teritoryo
c. soberanya
d. kayamanan
8. Umaabot sa _____ kilometro kuwadrado ang lawak ng teritoryo ng ating bansa.
a. 4 000
b. 2 500
c. 300 000
d. 100 000
9. Alin sa mga sumusunod ang apat na elemento ng pagkabansa?
a. Tao, teritoryo, pamahalaan at soberanya
b. Teritoryo, soberanya, tao at kapangyarihan
c. Teritoryo, pamahalaan, soberanya at likas na yaman
d. Tao, pamahalaan at soberanyang panloob at panlabas
10. Alin sa mga sumusunod ang tamang pahayag tungkol sa Pilipinas?
a. Ang Pilipinas ay may dalawang elemento lamang ng pagkabansa.
b. Ang mga Pilipino ay gumagamit ng iisang wika lamang.
c. Hindi maaaring ituring na bansa ang Pilipinas dahil maliit lamang ang teritoryo nito.
d. Matatawag na bansa ang Pilipinas dahil nagtataglay ito ng apat na elemento ng pagkabansa.
11. Sa rehiyong _____ matatagpuan ang bansang Pilipinas.
a. Hilagang Asya
b. Gitnang-Silangang Asya
c. Timog-Kanlurang Asya
d. Timog-Silangang Asya
12. Nasa gawing _____ ng Pilipinas ang mga bansang Taiwan at Japan.
a. hilaga
b. kanluran
c. silangan
d. timog
13. Ang _____ ay ang bahaging tubig na nasa kanluran ng Pilipinas.
a. Bashi Channel
b. Karagatang Pasipiko
c. West Philippine Sea
d. Tañon Strait
14. Kung ang bansang China ay nasa hilaga ng Pilipinas, ano naman ang bahaging tubig na matatagpuan sa direksiyong ito?
a. Bashi Channel
b. Karagatang Pasipiko
c. West Philippine Sea
d. Tañon Strait
15. Ang pinakamalaking bahaging tubig na nasa silangan ng Pilipinas ay ang _____.
a. Bashi Channel
b. Karagatang Pasipiko
c. West Philippine Sea
d. Tañon Strait
16. _____ ang tawag sa pagtukoy ng lokasyon gamit ang mga bansa at bahaging tubig na nakapaligid dito.
a. Relatibong lokasyon
b. Pangunahing lokasyon
c. Pangkaraniwang lokasyon
d. Pambansang lokasyon
17. Ang _____ ay isa sa mga bansang nasa kanluran ng Pilipinas.
a. Indonesia
b. Japan
c. Australia
d. Vietnam
18. Makikita ang dalawang malalaking bahaging tubig na Dagat Sulu at Dagat Celebes sa gawing _____ ng Pilipinas.
a. hilaga
b. kanluran
c. silangan
d. timog
19. Ang sumusunod ay matatagpuan sa hilaga ng Pilipinas maliban sa isa. Alin ito?
a. China
b. Taiwan
c. Vietnam
d. Bashi Channel
20. Kung ang Karagatang Pasipiko ay nasa gawing silangan ng bansa, ang West Philippine Sea naman ay nasa gawing _____ nito.
a. hilaga
b. kanluran
c. silangan
d. timog
21. Ito ang tawag sa pagtukoy sa lokasyon ng isang lugar batay sa kinalalagyan ng mga katabi o kalapit nitong lugar.
a. Pangkaraniwang lokasyon
b. Pangunahing lokasyon
c. Relatibong lokasyon
d. Pantabing lokasyon
22. Nasa timog ng Pilipinas ang bansang _____.
a. Laos
b. Taiwan
c. Cambodia
d. Indonesia
23. Matatagpuan ang Japan at Taiwan sa _____ ng Pilipinas.
a. hilaga
b. kanluran
c. silangan
d. timog
24. Ang pinakamalapit na bansa sa hilaga ng Pilipinas ay _____.
a. Indonesia
b. Taiwan
c. Brunei
d. Vietnam
25. Ang Pilipinas ay may sariling teritoryo; humigit kumulang _____ na pulo ang bumubuo nito.
a. 7 641
b. 7 761
c. 7 841
d. 7 961
26. Saang bahagi ng Asya matatagpuan ang Pilipinas?
a. Hilagang-Silangang Asya
b. Timog-Silangang Asya
c. Hilagang-Kanlurang Asya
d. Timog-Kanlurang Asya
27. Humigit kumulang ilang kilometro ba ang layo ng Pilipinas sa kalakhang kontinente ng Asya?
a. 1 000
b. 2 000
c. 3 000
d. 4 000
28. Humigit kumulang ilang kilometro kuwadrado ba ang lawak ng Pilipinas?
a. 100 000
b. 200 000
c. 300 000
d. 400 000
29. Bilang isang mamamayang Pilipino, ano ang pinagbabasehan natin ng hangganan at lawak ng teritoryo ng Pilipinas?
a. Artikulo I ng Saligang Batas ng 1987
b. Artikulo 2 ng Saligang Batas ng 1987
c. Artikulo 3 ng Saligang Batas ng 1987
d. Artikulo 4 ng Saligang Batas ng 1987
30. Ilang kilometro ang haba ng Pilipinas mula sa hilaga patimog?
a. 4 851
b. 3 851
c. 2 851
d. 1 851
31. Umaabot sa ilang kilometro ang lawak ng Pilipinas mula sa kanluran pasilangan?
a. 4 107
b. 3 107
c. 2 107
d. 1 107
32. Anong mga bansa ang nakapaligid sa bahaging hilaga ng Pilipinas?
a. Malaysia, Vietnam, at Laos
b. Cambodia at Thailand
c. Taiwan, China, at Japan
d. Indonesia, Taiwan, at China
33. Anong bansa ang nasa dakong timog ng Pilipinas?
a. Thailand
b. Indonesia
c. Vietnam
d. Laos
34. Humigit-kumulang ilang kilometro ang layo ng Pilipinas mula sa kalakhang kontinente ng Asya?
a. 1 000
b. 10 000
c. 5 000
d. 50 000
35. Ilang pulo ang bumubuo sa Pilipinas?
a. 1 107
b. 1 851
c. 7 641
d. 300 000
36. Ilang kilometro kuwadrado ang lawak o laki ng teritoryo ng bansa?
a. 1 107
b. 1 851
c. 7 641
d. 300 000
37. Ilang kilometro ang haba ng Pilipinas mula sa hilaga patimog?
a. 1 107
b. 1 851
c. 7 641
d. 300 000
38. Ilang kilometro ang lawak ng Pilipinas mula sa kanluran pasilangan?
a. 1 107
b. 1 851
c. 7 641
d. 300 000
39. Ang sumusunod, maliban sa isa, ay mga dahilan ng pag-init at paglamig ng atmospera. Alin dito ang HINDI kabilang?
a. araw at gabi
b. pagsikat ng buwan
c. epekto ng monsoon
d. tindi ng sikat ng araw
40. Kung ang PANAHON ay tumutukoy sa pang-araw-araw na kalagayan ng atmospera, ano naman ang ibig sabihin ng KLIMA?
a. init o lamig ng atmospera
b. paggalaw ng hangin mula sa mababa patungo sa mataas na presyur
c. taglay na halumigmig ng atmospera
d. kondisyon ng panahon sa loob ng mahabang panahon
41. Ano ang posibleng dahilan kung bakit maraming iba’t ibang halaman at hayop ang matatagpuan sa Pilipinas?
a. Mahilig ang mga Pilipino sa mga halaman.
b. Mabilis tumutubo ang mga ito sa Pilipinas.
c. Palaging tag-araw sa bansa at angkop sila dito.
d. May matabang lupa at angkop ang klima ng Pilipinas sa mga ito.
42. May dalawang uri lamang ng panahon sa ating bansa. Ano ang mga ito?
a. tag-ulan at tag-araw
b. tag-araw at tagsibol
c. tagsibol at taglagas
d. tag-ulan at tagsibol
43. Ito ay isang mataas na anyong lupa ngunit mas mababa sa bundok. Karaniwang may hugis ito na pabilog.
a. bulkan
b. burol
c. lambak
d. talampas
44. Ito ay isang patag na lupa sa pagitan ng dalawang bundok o burol.
a. bulkan
b. burol
c. lambak
d. talampas
45. Ito ay isang malawak na patag na lupa na nasa mataas na lugar. Mainam itong pastulan ng baka, kalabaw, at iba pang hayop.
a. bulkan
b. burol
c. lambak
d. talampas
46. Ito ay anyong lupang maaaring magbuga ng gas, lahar, bato, nagbabagang putik, at iba pa.
a. bulkan
b. burol
c. lambak
d. talampas
47. Ito ay isang anyong tubig na nanggagaling sa ilalim ng lupa.
a. bukal
b. ilog
c. karagatan
d. kipot
48. Ito ay isang makitid na kanal na nag-uugnay sa dalawang malalaking anyong tubig.
a. bukal
b. ilog
c. karagatan
d. kipot
49. Ito ang pinakamalaking anyong tubig sa buong mundo.
a. bukal
b. ilog
c. karagatan
d. kipot
50. Ito ay isang mahaba at makitid na anyong tubig na umaagos mula sa mga sapa o bukal.
a. bukal
b. ilog
c. karagatan
d. kipot
51. Ito ang klima ng Pilipinas dahil sa direkta itong nasisikatan ng araw.
a. tagsibol
b. taglagas
c. tropikal
d. mitikal
52. Ang Pilipinas ay matatagpuan sa _____.
a. ekwador
b. mababang latitud
c. mataas na latitud
d. gitnang latitud
53. Ito ang pinakamataas na anyong lupa.
a. bulubundukin
b. bundok
c. kapatagan
d. lawa
54. Ito ay anyong tubig na napapaligiran ng lupa.
a. bulubundukin
b. kapatagan
c. lawa
d. pulo
55. Ito ay anyong lupa na binubuo ng hanay ng mga bundok.
a. bulubundukin
b. kapatagan
c. lawa
d. pulo
56. Ito ay anyong lupa na napapaligiran ng tubig.
a. bundok
b. kapatagan
c. lawa
d. pulo
57. Ito ay patag at malawak na anyong lupa.
a. bulubundukin
b. bundok
c. kapatagan
d. lawa
58. Alin sa mga sumusunod ang naglalarawan sa klima ng Pilipinas?
a. basa o tuyo at mahalumigmig
b. taglagas at mahalumigmig
c. taglagas o tagsibol at malamig
d. taglamig at taglagas
59. Nasa mababang latitud ang Pilipinas kaya _____ ang sikat ng araw na natatanggap nito.
a. pahilis
b. direkta
c. paikot
d. pababa
60. Ang Pilipinas ay napapaligiran ng mga pangunahing anyong tubig gaya ng karagatan, dagat, golpo, tsanel, at kipot dahil ang bansa natin ay _____.
a. isang malaking kontinente
b. napapaligiran ng malalaking bansa
c. isang kapuluan
d. lahat ng nabanggit
61. Ito ay isang mataas na anyong lupa na may bunganga at nagbubuga ng malalaking bato, putik, at abo.
a. lambak
b. bulkan
c. kipot
d. bukal
62. Ano ang tawag sa hindi pangkaraniwang pagtaas ng tubig sa dagat o karagatan dulot ng lakas ng hanging dala ng bagyo?
a. tidal wave
b. tsunami
c. storm surge
d. hurricane
63. Ito ay ang higit sa normal na lebel na pagtaas ng tubig sa dagat o karagatan na epekto ng nagaganap na paglindol.
a. tsunami
b. daluyong
c. hurricane
d. storm surge
64. Ang DRRMC ay ang ahensiyang nangangasiwa sa mga preparasyon para sa kaligtasan ng bawat mamamayan. Ano ang kahulugan ng acronym na DRRMC?
a. Disaster Risk and Reduction Maintenance Council
b. Disaster Risk Reduction and Management Council
c. Disaster Reduction and Risk Management Council
d. Disaster Risk Reduction and Management Corporation
65. Ang mga karaniwang lugar na madalas daanan ng bagyo at may posibilidad sa storm surge ay ang mga _____.
a. baybayin
b. kagubatan
c. kapatagan
d. disyerto
66. Ang _____ ay tumutukoy sa pagsusuri ng anyo o hugis ng isang lugar.
a. arkipelago
b. arkitektura
c. topograpiya
d. arkeolohiya
67. Ang _____ ay ang mga bagay na nagmumula sa kalikasan, tulad ng lupa, kabundukan, kagubatan, mga ilog at lawa, pati na rin ang mga depositong mineral, na nagbibigay ng mga pangunahing pangangailangan ng tao.
a. likas na yaman
b. magagandang tanawin
c. bantayog
d. katutubo
68. Ang Pilipinas ay isang kapuluan o _____ na binubuo ng 7641 malalaki at maliliit na mga pulo.
a. kontinente
b. arkipelago
c. topograpiya
d. bulubundukin
69. Ang duck, cover, and hold ay ang mga bagay na dapat tandaan at gawin kapag may _____.
a. tsunami
b. storm surge
c. lindol
d. hazard map
70. Ang _____ ay sangguniang nagpapakita ng mga lugar na may panganib sa mga kalamidad.
a. earthquake drill
b. storm surge
c. tsunami alert level
d. hazard map
71. Lubhang mapanganib ang bagyo dahil hindi lang malalakas na hangin ang dala nito. Ang hanging dala ng bagyo ay maaari ring magdulot ng _____, isang hindi pangkaraniwang pagtaas ng tubig sa dagat o karagatan.
a. tsunami
b. storm surge
c. lindol
d. hazard map
72. Ang lindol ay hindi natutukoy kung kailan darating. Ito ay kusang nararanasan na lang sa isang lugar. Ang _____ ay dulot ng malakas na paglindol. Ito ay ang higit sa normal na lebel ng pagtaas ng tubig sa dagat o karagatan.
a. tsunami
b. storm surge
c. lindol
d. hazard map
73. Alin sa mga sumusunod ang maaring magsilbing panangga sa mga bagyong dumarating sa ating bansa?
a. matatarik na mga bangin
b. mahahabang bulubundukin
c. malalawak na mga kapatagan
d. matataas at aktibong mga bulkan
74. Ang mga bulkan na bagaman ay mapanganib ay maaari ring magsilbing _____ dahil sa angkin nitong kagandahan.
a. pasyalan
b. libingan
c. daungan
d. dausan ng konsyerto
75. Ano ang magandang epekto ng pagkakaroon natin ng malawak na katubigan?
a. Ito ay maaaring maging daanan ng mga kalakal.
b. Ito ay mainam para sa pagbabangka o pagbibiyahe.
c. Ito ay maaaring pagkakitaan sa pamamagitan ng pangingisda.
d. Lahat ng nabanggit ay tama.
76. Ito ay malawak at patag na anyong lupa.
a. talampas
b. pulo
c. kapatagan
d. bulkan
77. Ito ay isang anyong lupa na mataas ngunit patag ang ibabaw.
a. talampas
b. pulo
c. kapatagan
d. bulkan
78. Ang isda at iba pang lamang dagat, mga prutas at gulay at mga pang-agrikulturang produkto, mga troso, mga mineral, ginto, pilak at tanso, at marami pang iba ay tinatawag na ______.
a. tourist attraction
b. likas na yaman
c. yamang likha ng tao
d. lahat ng nabanggit
79. Ang mga sumusunod na magagandang tanawin ng ating bansa, maliban sa isa, ay itinuturing na likas na yaman. Alin ang HINDI kabilang sa pangkat?
a. Chocolate Hills
b. Maria Cristina Falls
c. Hundred Islands
d. Manila Ocean Park
80. Alin sa mga sumusunod na likas na yaman ang maaaring pagkunan ng enerhiyang pang-elektrisidad?
a. Chocolate Hills sa Bohol
b. Nacpan Beach sa El Nido, Palawan
c. Maria Cristina Falls sa Iligan
d. Dahican Beach sa Mati, Davao Oriental
81. Maraming uri ng isda ang nabubuhay sa ating karagatan. Sa katunayan, ang pinakamalaking isda sa buong daigdig ay matatagpuan sa Pilipinas. Ito ay ang _____.
a. Pandaka pygmaea
b. Rhincodon typus
c. Chanos chanos
d. Orcinus orca
82. Ang bakal, chromium, nikel, zinc, tingga, asoge, aluminium, mamahaling ginto at pilak ay ilan lamang sa mga yamang mineral na nakakatulong sa pag-angat ng ating ekonomiya. Anong uri ng likas na yaman ang mga ito?
a. yamang pansakahan
b. yamang dagat
c. yamang mineral
d. yamang kagubatan
83. Ang Lambak Trinidad sa Benguet, ang Banawe Rice Terraces, at ang mga Talampas sa Batangas at Bukidnon ay kilalang taniman ng mga gulay. Malaking tulong ang mga ito sa pamumuhay ng mga tao. Anong uri ng likas na yaman ang mga ito?
a. yamang pansakahan
b. yamang dagat
c. yamang mineral
d. yamang kagubatan
84. Malaking pakinabang pang-ekonomiko ang mga likas na yaman ng isang bansa. Alin sa mga sumusunod na gawain ang nagpapakita ng wastong pangangalaga ng mga ito?
a. pagtapon ng basura sa mga ilog
b. paggamit ng dinamita sa pangingisda
c. pagputol ng malalaki at maliliit na punong kahoy
d. paggamit ng lambat na may malalaking butas sa pangingisda
85. Ang palay ay halimbawa ng anong uri ng likas na yaman?
a. yamang gubat
b. yamang mineral
c. yamang pangisdaan
d. yamang pansakahan
86. Ang troso ay halimbawa ng anong uri ng likas na yaman?
a. yamang gubat
b. yamang mineral
c. yamang pangisdaan
d. yamang pansakahan
87. Ang tilapia ay halimbawa ng anong uri ng likas na yaman?
a. yamang gubat
b. yamang mineral
c. yamang pangisdaan
d. yamang pansakahan
88. Ang tanso ay halimbawa ng anong uri ng likas na yaman?
a. yamang gubat
b. yamang mineral
c. yamang pangisdaan
d. yamang pansakahan
89. Ang pilak ay halimbawa ng anong uri ng likas na yaman?
a. yamang gubat
b. yamang mineral
c. yamang pangisdaan
d. yamang pansakahan
90. Ang lugar na ito ay kilala sa pagiging lokasyon ng isang wind farm na gumagawa ng kuryente.
a. Tiwi, Albay
b. Bangui, Ilocos Norte
c. Iligan, Lanao del Norte
d. Angat, Bulacan
91. Ang Leyte at ang Tiwi, Albay ay kilala sa paggawa ng anong klaseng enerhiya?
a. geothermal
b. hydropower
c. biomass
d. solar
92. Kadalasan ito ay nararanasan tuwing tag-init at nagiging sanhi ng pagkatuyo ng mga lupang tinatamnan ng mga magsasaka.
a. kaingin
b. La Niña
c. El Niño
d. taglagas
93. Anong paraan ang dapat gawin upang maparami ang ani?
a. Pag-aaral ng paraan sa pagpaparami ng ani
b. Pagtatanim ng mga hybrid na pananim
c. Paggamit ng mga natural na pataba sa lupa
d. Lahat ng nabanggit
94. Ang _____ ay dahilan ng pagkalason ng isda at pagiging marumi ng tubig dagat.
a. Pagtatanim ng mga bakawan
b. Pagtatapon ng basura sa mga karagatan
c. Pagtatanim ng mga artipisyal na korales
d. Pangingisda nang naaayon sa regulasyon
95. Sa anong paraan makatutulong ang pamahalaan upang magkaroon ng puhunan ang mga tao sa kanilang gawaing pangkabuhayan?
a. Pagpapasara sa mga kooperatiba
b. Pagsasawalang-kibo sa mga pangangailangan ng mga tao
c. Pagpapautang ng may napakataas na interes sa mga tao
d. Pagpapahiram ng puhunan ng mga kooperatiba sa mga magsasaka at mangingisda
96. Ang mga sumusunod ay paraan ng panghuhuli ng isda sa dagat. Isa sa mga ito ay ang dahilan ng pagkasira ng tahanan ng mga isda sa ilalim ng dagat. Alin ito?
a. Paggamit ng bingwit sa panghuhuli ng isda
b. Paggamit ng tamang sukat ng lambat sa panghuhuli ng isda
c. Paggamit ng dinamita upang mas maraming isda ang mahuli
d. Paggamit ng underwater sonar at radars sa paghahanap ng isda
97. Ano ang tawag sa pagtugon sa pangangailangan at mithiin ng mga tao nang may pagsasaalang-alang sa kakayahan ng susunod na henerasyon na makamit din ang kanilang mga pangangailangan?
a. kayamanang likas
b. likas kayang pag-unlad
c. kakayahang manakop ng ibang bansa
d. likas na kakayahang mag-angkin ng yaman ng iba
98. Ang likas kayang pag-unlad ay kilala rin sa tawag na _____.
a. environmental sustainability
b. sustainable development
c. sustainable environment
d. environmental development
99. Bakit kailangan ang sustainable development o ang likas kayang pag-unlad?
a. upang magkaroon ng isang alternatibong kaunlaran sa harap ng lumalalang krisis pangkalikasan
b. upang maiwasan ang tuluyang pagkasira at pagkawasak ng kalikasan
c. pagsasaalang-alang sa kakayahan ng susunod na henerasyon na makamit din ang kanilang mga pangangailangan
d. lahat ng nabanggit ay tamang sagot
100. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa samahan o organisasyong politikal na ang layunin ay mapanatili ang kaayusan at magtatag ng isang sibilisadong lipunan.
a. bansa
b. mamamayan
c. kapangyarihan
d. pamahalaan
101. Ang mga sumusunod ay nagpapakita ng kahalagahan ng pamahalaan maliban sa isa. Alin ito?
a. bumubuo ng mga programa para sa kapakanan at pangangailangan ng mga tao
b. pinagsisilbihan at pinoprotektahan ang mga mamamayan
c. nagpapatupad sa mga batas, programa at proyekto ng bansa
d. nagpapasimula ng mga gawaing hindi naaayon sa batas ng bansa
102. Ano ang tawag sa pinuno ng mga bansang kagaya ng Pilipinas?
a. Prime Minister
b. Hari
c. Sultan
d. Pangulo
103. Paano nailuluklok sa posisyon ang isang pinuno ng demokratikong bansa tulad ng Pilipinas?
a. sa pamamagitan ng rekomendasyon ng pinuno ng ibang bansa
b. sa pagpapamana ng posisyon sa kapamilya
c. sa pagpili ng mga tao o pagboto sa panahon ng eleksyon
d. sa pamamagitan ng kayamanan na meron ang isang tao
104. Aling gawain ang nagpapakita ng tamang tungkulin ng isang opisyal ng pamahalaan?
a. pagpili ng mga taong tutulungan sa panahon ng kalamidad
b. pagprotekta sa mga maling gawain ng mga kaibigan
c. pagnanakaw ng badyet sa isang proyekto
d. pagpapatupad sa mga programa ng gobyerno para sa kabutihan ng mga mamamayan
105. Siya ang pinuno ng sangay ng tagapagpaganap at ng pambansang pamahalaan.
a. kinatawan
b. pangulo
c. presidente ng senado
d. punong mahistrado
106. Ito ay binubuo ng Mababa at Mataas na Kapulungan.
a. Kongreso
b. Korte Suprema
c. Sangay ng Tagahukom
d. Sangay ng Tagapagpaganap
107. Ito ay tinatawag ding mataas na kapulungan.
a. Kapulungan ng mga Kinatawan
b. Korte Suprema
c. Sangay ng Tagapagpaganap
d. Senado
108. Dito dumudulog ang sinumang tao na hindi sumasang-ayon sa anumang desisyon ng mabababang hukuman.
a. Kapulungan ng mga Kinatawan
b. Korte Suprema
c. Sangay ng Tagapagpaganap
d. Senado
109. Sila ang bumubuo sa mababang kapulungan.
a. kinatawan
b. senador
c. gabinete
d. huwes
110. Ito ang sangay ng pamahalaan na nagbibigay ng interpretasyon ng mga batas.
a. ehekutibo
b. lehislatibo
c. hudikatura
d. mahistrado
111. Ito ang sangay ng pamahalaan na nagpapatupad ng batas at pinamumunuan ng pangulo.
a. ehekutibo
b. lehislatibo
c. hudikatura
d. mahistrado
112. Ito ang sangay ng pamahalaan na gumagawa ng mga batas at binubuo ng dalawang kapulungan.
a. ehekutibo
b. lehislatibo
c. hudikatura
d. mahistrado
113. Siya ang nagsisilbing pinuno ng mababang kapulungan.
a. ispiker
b. pangulo
c. pangulo ng senado
d. punong mahistrado
114. Siya ang pinakamataas na hukom ng Korte Suprema.
a. ispiker
b. pangulo
c. pangulo ng senado
d. punong mahistrado
115. Siya ang nagsisilbing lider ng mataas na kapulungan o senado.
a. ispiker
b. punong senador
c. pangulo ng senado
d. punong mahistrado
116. Ito ang mataas na kapulungan ng sangay na tagapagbatas.
a. Korte Suprema
b. Kapulungan ng mga Kinatawan
c. Senado
d. Gabinete
117. Ito ang mababang kapulungan ng sangay na tagapagbatas.
a. Kapulungan ng mga Kinatawan
b. Senado
c. Gabinete
d. Hudikatura
118. Ito ang kapangyarihan ng pangulo na tanggihan ang panukalang batas na ipinasa sa Kongreso.
a. veto power
b. presidential decree
c. habeas corpus
d. eminent domain
119. Ito ang kaagapay ng Pangulo sa pagpapatupad ng mga batas.
a. mataas na kapulungan
b. mababang kapulungan
c. gabinete
d. hudikatura
120. Pinamumunuan ng _____ ng bansa ang Sangay na Tagapagpaganap.
a. pangulo
b. mga senador
c. mga kongresista
d. punong mahistrado
121. Ang Sangay na _____ ay kinabibilangan ng mga mambabatas.
a. Tagapagbatas
b. Tagapagpulong
c. Tagapaghukom
d. Tagapagwalis
122. Ang Sangay na Tagapagbatas ay tinatawag ring _____.
a. Kongreso
b. Hurado
c. Korte Suprema
d. Gabinete
123. Alin sa mga sumusunod ang proseso ng batas kung saan maaaring matanggal ang isang mataas na opisyal ng pamahalaan?
a. veto power
b. check and balance
c. impeachment
d. separation of powers
124. Kapag may pagsusuri at pagbabalanse ng kapangyarihan, maaaring maiwasan ang _____.
a. pananakop ng ibang bansa
b. pagmamalabis sa kapangyarihan
c. pakikipag-ugnayan sa ibang bansa
d. pangingibang-bayan ng mga mamamayan
125. Hindi maaaring pakialaman ng alin mang sangay ang bawat isa maliban kung _____.
a. may kasunduan sila
b. nanghihimasok ang mga sangay sa isa’t isa
c. hindi nagkakasundo ang mga mambabatas
d. may paglabag sa kapangyarihang nakasaad sa Saligang Batas
126. Anong kagawaran ang dapat tumitiyak na binibigyan ng tamang sahod at benepisyo ang mga manggagawa?
a. Department of Social Welfare and Development (DSWD)
b. Department of Labor and Employment (DOLE)
c. Department of Agriculture (DA)
d. Department of Health (DOH)
127. Anong kagawaran ang namamahala sa pagbibigay ng ayuda o mga relief goods at iba pang pangangailangan ng mga taong nasalanta ng kalamidad?
a. Department of Social Welfare and Development (DSWD)
b. Department of Labor and Employment (DOLE)
c. Department of Agriculture (DA)
d. Department of Health (DOH)
128. Anong kagawaran ang may tungkuling magbigay ng libreng gamot at tumugon sa mga isyung pangkalusugan tulad ng mga pandemya?
a. Department of Social Welfare and Development (DSWD)
b. Department of Labor and Employment (DOLE)
c. Department of Agriculture (DA)
d. Department of Health (DOH)
129. Anong programang pangkalusugan ng pamahalaan ang may layuning makapagbigay ng kumpletong gamot lalo na sa mga pangunahing sakit para sa mga mamamayan?
a. pagbabakuna
b. National Health Insurance Program
c. Philhealth
d. Complete Treatment Pack
130. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa mga programa ng pamahalaan para sa kalusugan?
a. Edukasyon Para sa Lahat
b. pagbabakuna
c. Complete Treatment Pack
d. PhilHealth
131. Alin sa mga sumusunod na programa ang itinataguyod ng pamahalaan upang masugpo ang mga sakit gaya ng polio, tigdas, diarrhea, at trangkaso?
a. pagbabakuna
b. PhilHealth
c. Complete Treatment Pack
d. National Health Insurance Program
132. Aling ahensya ng pamahalaan ang siyang nangangasiwa upang maisulong ang mas mahusay na edukasyon sa bansa?
a. Kagawaran ng Kalusugan
b. Kagawaran ng Edukasyon
c. Kagawaran ng Pananalapi
d. Kagawaran ng Turismo
133. Isa sa mahalagang salik sa pag-unlad ng kaisipan ng mamamayan bilang isang indibidwal at sa pagsulong ng isang bansa ang maayos at dekalidad na sistema ng _____.
a. turismo
b. kapaligiran
c. edukasyon
d. pamahalaan
134. Aling programang pang-edukasyon ang naglalayong magkaroon ang bawat mag-aaral nang lubos at tuloy-tuloy na pagkatuto ng mga batayang kasanayan at kahandaan sa kolehiyo o sa paghahanapbuhay?
a. Edukasyon Para sa Lahat
b. Programang K to 12
c. Day Care Center
d. Abot-Alam
135. Aling programang pang-edukasyon ang naglalayong mabawasan ang mga out-of-school youth (OSY) at maihanda sila sa pagnenegosyo o paghahanapbuhay? Sa pamamagitan ng Alternative Learning System (ALS) binibigyan sila ng pagkakataon na makapag-aral sa mga oras at araw na libre sila o di naghahanapbuhay.
a. Edukasyon Para sa Lahat
b. Programang K to 12
c. Day Care Center
d. Abot-Alam
136. Alin sa mga sumusunod ang pangunahing lakas at tagapagtanggol ng bansa laban sa mga mananakop?
a. Sandatahang Lakas ng Pilipinas
b. Pambansang Pulisya ng Pilipinas
c. Kagawaran ng Tanggulang Pambansa
d. lokal na pamahalaan
137. Alin sa mga sumusunod na ahensya ang kaakibat ng lokal na pamahalaan sa pagsugpo sa mga krimen at paghuli sa mga taong lumalabag sa batas?
a. Hukbong Katihan ng Pilipinas
b. Pambansang Pulisya ng Pilipinas
c. Kagawaran ng Tanggulang Pambansa
d. Sandatahang Lakas ng Pilipinas
138. Ang mga sumusunod ay mga ahensya ng pamahalaan na may tungkuling mapanatili ang kaayusan at kaligtasan ng mga mamamayan MALIBAN sa isa. Alin ito?
a. Kagawaran ng Turismo
b. Pambansang Pulisya ng Pilipinas
c. Kagawaran ng Tanggulang Pambansa
d. Sandatahang Lakas ng Pilipinas
139. Ito ang balangkas at programa para sa kapayapaan at pag-unlad sa mga lugar na apektado ng kaguluhan.
a. PAMANA
b. ZAMBASULTA
c. Edukasyon Para sa Lahat
d. Programang K to 12
140. Layunin ng programang ito na mapaunlad ang kabuhayan at pagkakataon para makapagtrabaho sa mga partikular na lugar na may kaguluhan.
a. PAMANA
b. ZAMBASULTA
c. Edukasyon Para sa Lahat
d. Programang K to 12
141. Anong programa ng pamahalaan ang nagbibigay sa mga out-of-school youth ng pagkakataon na makapag-aral muli sa mga oras at araw na sila ay libre o di naghahanapbuhay?
a. Day Care
b. Alternative Learning System (ALS)
c. TESDA
d. K-12 Basic Education Program
142. Isa ito sa mga programang pang-edukasyon ng pamahalaan sa bawat barangay na mangangalaga sa mga batang nag-uumpisa pa lamang matuto.
a. Day Care
b. Alternative Learning System (ALS)
c. TESDA
d. Out-of-School Youth (OSY)
143. Si Gregor ay magaling gumuhit ngunit hindi siya kayang pag-aralin ng kanyang pamilya. Alin sa mga sumusunod na tulong ang pinaka-angkop na maaaring ibigay sa kanya ng pamahalaan?
a. Bigyan siya ng abogado na magtatanggol sa kanya.
b. Tulungan siya na magkaroon ng sariling trabaho.
c. Bigyan siya ng iskolarsyip galing sa pamahalaan.
d. Pagkalooban siya ng pabahay.
144. Bakit itinataguyod ng Pilipinas ang Edukasyon para sa Lahat (Education for All)?
a. upang mayroon silang programang naitaguyod
b. upang ipagmayabang na ang lahat na Pilipino ay nakapag-aral
c. upang mapabuti ang kalidad ng edukasyon ng bawat Pilipino, bata o matanda
d. Upang ipakita na matalino at magaling ang mga Pilipino pagdating sa edukasyon
145. Alin sa mga sumusunod ang programang pang-edukasyong naglalayong mabigyan ng pagkakataong makapag-aral ang mahuhusay na mag-aaral ngunit walang sapat na panustos sa pag-aaral?
a. day care
b. Abot-Alam
c. iskolarsyip
d. K to 12 Program
146. Upang maging tiyak at maayos ang ekonomiya, masusing isinasaad sa Saligang Batas ang tatlong layunin sa pagtataguyod ng pambansang ekonomiya. Ang mga ito ay ang sumusunod MALIBAN sa isa:
a. Makatarungang pamamahagi ng kita, pagkakataon, at kayamanan
b. Patuloy na paglaki ng produksiyon ng kalakal at paglilingkod para sa taong bayan
c. Lumalawak na kasaganaan na susi sa pagtaas ng antas ng pamumuhay ng tao lalo na ang mga kapus-palad
d. Patuloy na pakikipagsapalaran nang makapagtayo ng mga industriya
147. Upang mapabilis ang kaunlaran ng ekonomiya at makalikha ng maraming trabaho, lalo na sa mga lalawigan, naglalaan ng pondo ang pamahalaan para sa national roads at tulay; mga paliparan, daungan, at mga parola; at mga silid-aralan at iba pa. Saan nabibilang ang mga nasabing proyekto ng pamahalaan?
a. proyektong pang-impraestruktura
b. serbisyong ampolitika
c. programang pang-edukasyon
d. programang pangkalikasan
148. Tuwing umuulan, nahihirapang mamalengke ang mga taong nakatira sa mga lugar na malapit sa ilog. Gusto ng inyong kapitan na magpatayo ng tulay. Anong ahensya ng pamahalaan ang makatutulong sa proyektong ito?
a. Kagawaran ng Pampublikong Tulay
b. Kagawaran ng Katarungan
c. Kagawaran ng Kalusugan
d. Kagawaran ng mga Pagawain at Lansangang Bayan
149. Ang mga halimbawa nito ay ang mga gusali, paaralan, ospital, tulay, kalsada, mga linya ng kuryente at internet, at iba pang mga pasilidad na ipinapatayo ng pamahalaan gamit ang mga buwis mula sa taumbayan, sa layuning mapabilis ang kaunlaran ng ekonomiya at lumikha ng maraming trabaho.
a. kagawaran
b. lingkurang-bayan
c. ekonomiya
d. impraestruktura
150. Ito ay ang sitwasyong pangkabuhayan ng isang bansa.
a. kagawaran
b. lingkurang-bayan
c. ekonomiya
d. impraestruktura
151. Tumutukoy ito sa mga pampublikong pasilidad na bukas sa sinumang mamamayan ng bansa na may kaalaman at kakayahang magpatakbo ng negosyo.
a. kagawaran
b. lingkurang-bayan
c. ekonomiya
d. impraestruktura
152. Ang mga ito ang katulong ng pamahalaan sa pagpapatupad ng mga programa at serbisyong pang-ekonomiya at pang-impraestruktura.
a. kagawaran
b. lingkurang-bayan
c. ekonomiya
d. impraestruktura
153. Ang mga telepono, kompyuter, internet, radyo, at telebisyon ay napakahalaga sa paghahatid ng impormasyon. Aling ahensya ng pamahalaan ang nangangasiwa sa serbisyong ito?
a. Kagawaran ng Edukasyon
b. Kagawaran ng Katarungan
c. Kagawaran ng Katalinuhang Artipisyal
d. Kagawaran ng Teknolohiyang Pang-Impormasyon at Komunikasyon
154. Nakararanas ang Pilipinas ng iba-ibang kalamidad tulad ng bagyo, baha, sunog, lindol at pagputok ng bulkan. Alin sa mga sumusunod na ahensiya ang pangunahing nagtataguyod sa kapakanan ng mga mamamayan sa panahon ng sakuna?
a. National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC)
b. Land Transportation Office (LTO)
c. Bureau of Foods and Drugs (BFAD)
d. National Food Authority (NFA)
155. Aling batas ang nagbibigay sa mga bata ng natatanging proteksyon laban sa pang-aabuso, pagsasamantala at diskriminasyon?
a. Batas Republika Bilang 7610
b. Batas Republika Bilang 7277
c. Batas Republika Bilang 7432
d. Batas Republika Bilang 6759
156. Aling ahensya ng pamahalaan ang naatasang tumulong sa mga batang inabuso, inabandona, mga nasa lansangan at mga nasa mapanganib na sitwasyon?
a. Kagawaran ng Katarungan
b. Kagawaran ng Kagalingan at Pagpapaunlad Panlipunan
c. Komisyon ng Karapatang Pantao
d. Sandatahang Lakas ng Pilipinas
157. Sinisikap ng pamahalaan na mabigyan ng disenteng tirahan ang mga mamamayan lalo na yaong maliliit ang kita. Anong ahensya ang tumutulong sa proyektong pabahay ng pamahalaan?
a. Kagawaran ng Repormang Pansakahan
b. Kagawaran ng Pananahanang Pantao at Pagpapaunlad ng Kalunsuran
c. Kagawaran ng Ugnayang Panlabas
d. Kagawaran ng Pabahay
158. Aling ahensya ng pamahalaan ang naatasang bumalangkas ng mga patakaran ukol sa mga isyu ng mga may kapansanan at alalahanin?
a. Pambansang Pangasiwaan ng Pagkain (National Food Authority o NFA)
b. Pangasiwaan sa Pagpapaunlad ng Kalakhang Maynila (Metro Manila Development Authority o MMDA)
c. Pambansang Sanggunian Ukol sa Ugnayang Pangmaykapansanan (National Council on Disability Affairs o NCDA)
d. Komisyon sa mga Karapatang Pantao (Commission on Human Rights o CHR)
159. Alin sa mga sumusunod ang nangangahulugang pagiging kasapi o miyembro ng isang bansa ayon sa itinakda ng batas?
a. pagkamakabayan
b. pagkamaka-Pilipino
c. pagkamakatao
d. pagkamamamayan
160. Sino sa mga sumusunod ang maituturing na mamamayang Pilipino?
a. si Ana na isinilang sa Amerika
b. si Maria na ang ama at ina ay kapwa mga Pilipino
c. si Carlos na anak ng mag-asawang Hapones na matagal nang naninirahan sa Pilipinas
d. si Donna na ang ama ay Chinese at ang ina ay Vietnamese na may malaking negosyo sa Pilipinas
161. Sino ang HINDI maituturing na isang mamamayang Pilipino?
a. ang isang batang may ama o ina na mamamayang Pilipino
b. ang isang taong isinilang sa Canada
c. ang isang taong mamamayan na ng Pilipinas bago pa pinagtibay ang Saligang Batas ng 1987
d. ang mga dayuhang naging naturalisadong mamamayan ng Pilipinas ayon sa batas
162. May dalawang uri ang pagkamamamayan: ang likas/katutubo at naturalisado. Ano ang ibig sabihin ng likas o katutubong pagkamamamayan?
a. ang mga mamamayang anak ng isang Pilipino
b. ang mga mamamayang isa lamang sa kanilang mga magulang ang Pilipino
c. ang mga mamamayang parehong mga Pilipino ang mga magulang
d. lahat ng nabanggit
163. Aling prinsipyo ng pagkamamamayan ang naaayon sa dugo o pagkamamamayan ng magulang?
a. jus sanguinis
b. jus soli
c. pandarayuhan
d. naturalisasyon
164. Ayon sa ating batas, maaaring mawala ang pagkamamamayan sa pamamagitan ng mga sumusunod, MALIBAN sa isa.
a. Nakamit lamang niya ang kanyang pagka-Pilipino sa pamamagitan ng naturalisasyon.
b. Naglingkod siya sa Sandatahang Lakas ng ibang bansa.
c. Sumumpa siya ng katapatan sa Saligang Batas ng ibang bansa pagsapit ng 21 taong gulang.
d. Naging naturalisadong mamamayan siya ng ibang bansa.
165. Sino sa mga sumusunod na mga dayuhan ang maaaring mabigyan ng pribilehiyong maging Pilipino?
a. Si G. Miller na sumasalungat sa nakatatag na pamahalaan ng Pilipinas.
b. Si G. Choi na nagmamay-ari ng ilegal na pasugalan.
c. Si Gng. Tan na sumusuporta sa mga kaugalian at tradisyong maka-Pilipino.
d. Si Bb. Dy na mula sa bansang nagbabawal sa kanilang mamamayang maging naturalisadong mamamayan ng Pilipinas.
166. Si G. Smith na isinilang sa Amerika ay nakapagpatayo ng isang malaking kompanya sa Pilipinas. Tatlong taon na siyang naninirahan sa Pilipinas. Ayon sa nabanggit, ano ang pagkamamamayan ni G. Smith?
a. Siya ay isang likas na Pilipino.
b. Siya ay isang naturalisadong Pilipino.
c. Siya ay isang Amerikano.
d. Siya ay isang katutubong Pilipino.
167. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa mga prinsipyo ng pagkamamamayan ayon sa kapanganakan?
a. jus soli at jus sanguinis
b. katutubo at naturalisado
c. jus sanguinis at jus naturale
d. jus soli at jus naturale
168. Ito ang proseso ng pagiging mamamayan ng isang dayuhan ayon sa batas.
a. naturalisasyon
b. jus sanguinis
c. jus soli
d. lokalisasyon
169. Ito ay tumutukoy sa pagkamamamayan batay sa lugar ng kapanganakan.
a. naturalisasyon
b. jus sanguinis
c. jus soli
d. lokalisasyon
170. Ito ang kasulatan kung saan nakasaad ang batayan ng pagkamamamayang Pilipino.
a. Family Code
b. Saligang Batas
c. Articles of Impeachment
d. Panunumpa ng Katapatan sa Watawat ng Pilipinas
171. May dalawang uri ng pagkamamamayan: _____ at _____.
a. likas at naturalisado
b. likas at sagrado
c. likas at lubos
d. likas at katutubo
172. May dalawang prinsipyo ng likas na pagkamamamayan ayon sa kapanganakan: ang _____ at _____.
a. likas at naturalisado
b. jus sanguinis at jus soli
c. katutubo at naturalisado
d. jus sanguinis at jus naturale
173. Ang mga dayuhan ay maaaring maging mamamayang Pilipino sa pamamagitan ng prosesong _____.
a. bendisyon
b. eleksyon
c. lokalisasyon
d. naturalisasyon
174. Ayon sa kasalukuyang Saligang Batas, may karapatan ang bawat Pilipino na makapamuhay nang malaya at may dignidad. Ano ang kasalukuyang Saligang Batas na umiiral?
a. Saligang Batas ng 1986
b. Saligang Batas ng 1987
c. Saligang Batas ng 1988
d. Saligang Batas ng 1989
175. Ang karapatan ng bawat mamamayan sa isang demokratikong bansa ay nauuri sa tatlo: ang mga likas na karapatan, karapatang kaloob ng binuong batas, at _____.
a. karapatang nababawi
b. karapatang pangkatutubo
c. karapatang pantao
d. karapatang konstitusyonal
176. Sa anong uri ng karapatan nabibilang ang karapatang politikal, sibil, panlipunan at pangkabuhayan, at karapatan ng nasasakdal?
a. karapatang likas
b. karapatang ayon sa batas
c. karapatang pangkatutubo
d. karapatang konstitusyonal
177. Sa anong uri ng karapatan nabibilang ang karapatang mabuhay at maging malaya?
a. likas na karapatan
b. karapatang kaloob ng binuong batas
c. karapatang pangkatutubo
d. karapatang nababawi
178. Anong uri ng karapatan ang maaaring alisin sa pamamagitan ng panibagong batas?
a. likas na karapatan
b. karapatang kaloob ng binuong batas
c. karapatang pangkatutubo
d. karapatang konstitusyonal
179. Alin sa mga sumusunod ang kasama sa iyong mga karapatan bilang isang bata?
a. karapatang bumoto
b. karapatan sa pagmamay-ari
c. karapatang gumanap ng tungkuling pampubliko
d. karapatang lumaki sa isang mabuting lipunan
180. Hindi pinayagan si Dan na magpiyansa o magbayad para sa kanyang pansamantalang kalayaan nang siya ay ikulong sa kasong pananakit. Anong karapatan ni Dan ang nilabag?
a. karapatang sibil
b. karapatan ng isang bata
c. karapatang pangkabuhayan
d. karapatan ng nasasakdal
181. Ang karapatang politikal ay nauukol sa ugnayan ng mamamayan sa pamahalaan. Kasama rito ang sumusunod MALIBAN sa isa. Alin ito?
a. karapatang bumoto
b. karapatang magpetisyon
c. karapatan sa pagkamamamayan
d. karapatang mag-angkin ng mga ari-arian
182. Ang mga karapatang pangkabuhayan ay tumutulong sa pangangalaga sa kapakanan ng kabuhayan ng mga mamamayan. Alin sa mga sumusunod ang kabilang sa mga karapatang pangkabuhayan?
a. karapatang magpetisyon
b. karapatan sa pagkamamamayan
c. karapatang magkaroon ng ari-arian
d. karapatang pumili ng propesyon o hanapbuhay
183. Tuwing halalan, hindi nalilimutan ni Diane na bumoto sa kanilang lalawigan. Anong uri ng karapatan ang tinutukoy sa pangungusap na ito?
a. karapatang sibil
b. karapatang politikal
c. karapatan ng nasasakdal
d. karapatang panlipunan at pangkabuhayan
184. Ang karapatang pumili ng relihiyon ay isang _____.
a. karapatang panlipunan
b. karapatang pangkabuhayan
c. karapatan ng nasasakdal
d. karapatang politikal
185. Ang karapatang magkaroon ng tirahan at ari-arian ay isang _____.
a. karapatang politikal
b. karapatang pangkabuhayan
c. karapatang sibil
d. karapatang panlipunan
Majority of the questions in this section are from Grade 5 Araling Panlipunan (AP) lessons. You can also refer to the following AP lessons, which are discussed in this website in English: Kaugnayan ng Lokasyon sa Paghubog ng Kasaysayan | Pinagmulan ng Pagkakabuo ng Pilipinas Batay sa Teorya, Mitolohiya, at Relihiyon | Pinagmulan ng mga Unang Pangkat ng Tao sa Pilipinas | Paraan ng Pamumuhay ng mga Sinaunang Pilipino sa Panahong Pre-Kolonyal | Pang-Ekonomikong Pamumuhay ng mga Pilipino sa Panahong Pre-Kolonyal
186. Sa anong rehiyon ng Asya kabilang ang bansang Pilipinas?
a. silangang Asya
b. hilagang Asya
c. kanlurang Asya
d. timog-silangang Asya
187. Alin sa mga sumusunod ang tiyak o absolute na lokasyon ng Pilipinas sa mapa?
a. 4°23’ hanggang 21°25’ hilagang latitud at 116°00 hanggang 127°00 silangang longhitud
b. 2°43’ hanggang 25°31’ hilagang latitud at 161°00 hanggang 172°12 silangang longhitud
c. 1°32’ hanggang 15°21’ hilagang latitud at 131°00 hanggang 151°10 silangang longhitud
d. 3°23’ hanggang 20°29’ hilagang latitud at 121°14 hanggang 148°25 silangang longhitud
188. Bakit tinawag na arkipelago ang bansang Pilipinas?
a. Ito ay nakaharap sa Karagatang Pasipiko.
b. Ito ay binubuo ng tatlong malalaking pulo.
c. Ito ay napapalibutan ng mga mayayamang bansa.
d. Ito ay binubuo ng maraming maliliit at malalaking mga pulo na napapalibutan ng tubig.
189. Anong karagatan ang matatagpuan sa silangan ng Pilipinas?
a. Karagatang Indian
b. Karagatang Atlantiko
c. Karagatang Pasipiko
d. Karagatang Arktiko
190. Anong isla ang hinahanap ng mga Europeo na naging daan para matuklasan ang Pilipinas?
a. Kiribati
b. Micronesia
c. Moluccas
d. Palau
191. Ito ay mga istrukturang itinayo ng mga Amerikano para gawing sanayan ng mga sundalo at imbakan o arsenal ng mga kagamitang pandigma nila.
a. base militar
b. opisina
c. paaralan
d. palaruan
192. Bilang isang bansang nasakop ng Espanya, ano ang naging pinakamalaking pamana ang kanilang iniwan sa Pilipinas?
a. edukasyon
b. ekonomiya
c. relihiyon
d. sandatahang lakas
193. Ang Dagat Pilipinas (Philippine Sea) ay matatagpuan sa aling direksyon ng Pilipinas?
a. hilaga
b. timog
c. silangan
d. kanluran
194. Ang Kipot ng Luzon (Luzon Strait) ay matatagpuan sa aling direksyon ng Pilipinas?
a. hilaga
b. timog
c. silangan
d. kanluran
195. Sa aling direksyon ng Pilipinas matatagpuan ang Dagat Celebes (Celebes Sea)?
a. hilaga
b. timog
c. silangan
d. kanluran
196. Sa aling direksyon ng Pilipinas matatagpuan ang Dagat Timog Tsina (South China Sea)?
a. hilaga
b. timog
c. silangan
d. kanluran
197. Ito ang tawag sa malaking masa ng kalupaang may 240 milyong taon na ang nakalipas.
a. Asthenosphere
b. Kontinente
c. Pangaea
d. Tectonic
198. Ito ang teoryang nagsasabing nagmula ang Pilipinas sa malalaking tipak ng lupain sa daigdig na naghiwa-hiwalay ilang daang milyong taon na ang nakalipas.
a. land bridges o tulay na lupa theory
b. Pacific theory o teorya ng bulkanismo
c. continental drift theory
d. mitolohiya
199. Ito ang teoryang nagpapaliwanag na dating karugtong ang Pilipinas sa Timog – Silangang Asya.
a. teorya ng continental drift
b. teorya ng tulay na lupa
c. teorya ng ebolusyon
d. teorya ng bulkanismo
200. Ayon sa teoryang ito, nabuo ang mga kalupaan ng Pilipinas mula sa pagputok ng mga bulkan sa ilalim ng karagatan.
a. teorya ng continental drift
b. teorya ng tulay na lupa
c. teorya ng ebolusyon
d. teorya ng bulkanismo
201. Siya ang naghain ng teoryang nabuo ang kalupaan ng daigdig mula sa isang supercontinent.
a. Albert Einstein
b. Alfred Wegener
c. Bailey Willis
d. Charles Darwin
202. Alin sa ibaba ang tumutukoy sa sali-salimuot na kuwento na ang layunin ay magpaliwanag ng sagisag ng mahahalagang balangkas ng buhay?
a. mitolohiya
b. relihiyon
c. sitwasyon
d. teorya
203. Ayon sa paniniwalang panrelihiyon, nilikha ang tao sa pamamagitan ng isang maykapangyarihan na tinatawag na _____.
a. Apoy
b. Diyos
c. Hangin
d. Tubig
204. Sila ay naniniwala na ang Pilipinas ay mula sa libag ng katawan ni Melu, na kanilang Diyos.
a. Badjao
b. Bagobo
c. Igorot
d. Manobo
205. Sino ang Amerikanong siyentista na naghain ng Pacific Theory?
a. Alfred Wegener
b. Bailey Willis
c. Henry Otley Beyer
d. Robert Fox
206. Ito ay mga tipak ng lupa sa ilalim ng katubigan na nakakabit sa mga kontinente.
a. continental shelf
b. fossilized materials
c. asthenosphere
d. volcanic materials
207. Ito ay tumutukoy sa salitang Austronesian o Austronesyano na ang kahulugan ay tao mula sa timog.
a. Indones
b. Malayo
c. Nusantao
d. Polynesian
208. Ang teoryang nagsasabi na ang unang pangkat ng tao sa Pilipinas ay nagmula sa Timog-Silangang Asya.
a. teoryang Austronesian Migration
b. teoryang Core Population
c. teoryang Nusantao
d. teoryang Wave Migration
209. Anong teorya ang ipinakilala ni Wilhelm Solheim II na sinasabing galing sa katimugang bahagi ng Pilipinas ang ating mga ninuno?
a. teoryang Austronesian Migration
b. teoryang Core Population
c. teoryang Nusantao
d. teoryang Wave Migration
210. Sino ang nagpakilala sa teoryang Wave Migration?
a. F. Landa Jocano
b. Peter Bellwood
c. H. Otley Beyer
d. Wilhelm Solheim II
211. Ano ang naging batayan ni Peter Bellwood sa kanyang teorya?
a. ang pagkakatulad ng klima sa Timog-Silangang Asya at sa Pasipiko
b. ang pagkakatulad ng pamahiin sa Timog-Silangang Asya at sa Pasipiko
c. ang pagkakatulad ng kulay ng balat ng mga tao sa Timog-Silangang Asya at sa Pasipiko
d. ang pagkakatulad ng wika, kultura, at pisikal na katangian sa Timog-Silangang Asya at sa Pasipiko
212. Siya ang lumikha sa mga sinaunang Pilipino ayon sa relihiyon.
a. Babaylan
b. Datu
c. Diyos o Allah
d. Lakan
213. Ayon sa Relihiyong Kristiyano at Islam, nilikha ng Diyos o Allah ang unang dalawang tao na sina _____.
a. Adan at Eba
b. Abraham at Sarah
c. Jose at Maria
d. Samson at Delilah
214. Alin sa sumusunod ang pinaniniwalaang puno o halaman na pinagmulan ng sinaunang tao sa bansa batay sa mitolohiya?
a. gumamela
b. kawayan
c. narra
d. mangga
215. Ano ang dahilan ng pagpapalawak ng teritoryo ng mga Austronesyano?
a. pananakop
b. pakikipagkalakalan
c. pakikipagkaibigan
d. pagpapakilala ng relihiyon
216. Ayon kay Peter Bellwood, ang mga Austronesyanong ninuno ng mga Pilipino ay nagmula sa _____.
a. Taiwan
b. Mehiko
c. Amerika
d. Saudi Arabia
217. Sino-sino ang dalawang taong nagmula sa malaking kawayan?
a. Adan at Eba
b. Malakas at Maganda
c. Adan at Maganda
d. Malakas at Eba
218. Ano ang tawag sa paniniwala at pagsasamba ng Diyos?
a. mitolohiya
b. alamat
c. relihiyon
d. pabula
219. Ano ang tawag sa kuwentong pabula na nagpapaliwanag sa mga pangyayari at sumagisag ng mahahalagang balangkas ng buhay?
a. mitolohiya
b. alamat
c. relihiyon
d. pabula
220. Sa anong panahon natutunan ng mga sinaunang tao ang paggamit ng mga tinapyas na batong magaspang?
a. Panahong Neolitiko
b. Panahong Paleolitiko
c. Maagang Panahon ng Metal
d. Maunlad na Panahon ng Metal
221. Alin sa ibaba ang natutunan ng mga sinaunang Pilipino noong Panahon ng Bagong Bato?
a. tumira sa mga yungib
b. magsaka at mag-alaga ng mga hayop
c. mangaso at mangangalap ng pagkain
d. gumamit ng mga tinapyas na bato na magagaspang
222. Ang mga sumusunod na kasangkapang metal ang mas higit na napaghusay ng mga sinaunang Pilipino noong maunlad na Panahon ng Metal MALIBAN sa isa. Ano ito?
a. sibat
b. kampit
c. kutsilyo
d. tsarera
223. Ano tawag sa sistemang panlipunan, pampulitika, at pang ekonomiya ng mga Pilipino noong pre-kolonyal?
a. siyudad
b. barangay
c. pamilya
d. lalawigan
224. Ano ang tawag sa pinakamataas na antas ng tao sa lipunang Tagalog at Bisaya?
a. alipin
b. timawa
c. maginoo o datu
d. manggagawa
225. Sila ang kinikilalang mga mahuhusay na mandirigma mula sa pangkat ng mga maharlika.
a. bagani
b. bayani
c. pulis
d. sundalo
226. Ang mga sumusunod ay ang mga natatamasang karapatan ng mga kababaihan sa Ifugao maliban sa isa. Alin sa mga ito?
a. bumoto o pumili ng lider
b. magkaroon ng kayamanan
c. pagiging kapalit ng datu
d. pumili ng mapapangasawa
227. Alin sa mga sumusunod ang hindi kasama sa batas na nakasulat noong panahong prekolonyal?
a. ari-arian
b. diborsyo
c. krimen
d. pag-aaral
228. Alin dito ang paraan para mapalakas at mapagtibay ang kasunduan ng bawat barangay?
a. pananakop
b. pagbili o pagbabayad
c. sanduguan
d. pag-eespiya
229. Sino ang naatasan ng datu para ibalita ang mga kaganapan sa kanyang barangay lalo na kung may mga pagtitipon?
a. bagani
b. gat
c. lakan
d. umalohokan
230. Ayon sa paliwanag na ito, ang unang mga tao sa Pilipinas ay sina Malakas at Maganda.
a. relihiyon
b. naturalismo
c. mitolohiya
d. bulkanismo
231. Sa aling panahon nanirahan ang mga tao sa mga yungib?
a. Panahong Paleolitiko
b. Panahong Neolitiko
c. Panahon ng Metal
d. Wala sa mga ito
232. Sa aling panahon natutong magsaka at maghayupan ang mga Pilipino?
a. Panahong Paleolitiko
b. Panahong Neolitiko
c. Panahon ng Metal
d. Wala sa mga ito
233. Sa aling panahon gumamit ang mga tao ng magaspang na kasangkapang bato?
a. Panahong Paleolitiko
b. Panahong Neolitiko
c. Panahon ng Metal
d. Wala sa mga ito
234. Sa aling panahon nakagawa ang mga sinaunang Pilipino ng mga matatalim na mga sibat, kutsilyo, at iba pang sandata?
a. Panahong Paleolitiko
b. Panahong Neolitiko
c. Panahon ng Metal
d. Wala sa mga ito
235. Sa aling panahon unang gumamit ang mga Pilipino ng backloom weaving para sa paghahabi ng tela?
a. Panahong Paleolitiko
b. Panahong Neolitiko
c. Panahon ng Metal
d. Wala sa mga ito
236. Sa aling panahon naging permanente o sedentaryo ang paninirahan ng mga tao?
a. Panahong Paleolitiko
b. Panahong Neolitiko
c. Panahon ng Metal
d. Wala sa mga ito
237. Sa aling panahon natutong gumawa ng banga at palayok ang mga sinaunang Pilipino?
a. Panahong Paleolitiko
b. Panahong Neolitiko
c. Panahon ng Metal
d. Wala sa mga ito
238. Sa aling panahon unang gumawa ang mga Pilipino ng mga alahas at kagamitang pandigma gamit ang tanso?
a. Panahong Paleolitiko
b. Panahong Neolitiko
c. Panahon ng Metal
d. Wala sa mga ito
239. Ang pagkakaroon ng tiyak na mapagkukunan ng pagkain ng mga sinaunang tao sa pamamagitan ng pangingisda at pagsasaka ay dahilan ng _____.
a. pagtira nila sa mga yungib
b. pagiging pagala-pagala nila
c. pagkakaroon nila ng maraming ginto
d. pagkakaroon nila ng permanenteng tirahan
240. Ang mga sumusunod ay maaaring paraan para maging isang datu maliban sa isa. Alin ito?
a. pumasa sa pagsusulit ng datu
b. anak o galing sa angkan ng mga datu
c. nakapangasawa ng isang anak ng datu
d. matapang, matalino, at nagmana ng mga kayamanan
241. Ang salitang barangay ay hango sa salitang balanghai o balangay na tumutukoy sa isang _____.
a. sasakyang panlupa
b. sasakyang pandagat
c. sasakyang panghimpapawid
d. wala sa nabanggit
242. Paano magpasya ang datu kung nagbibigay ng hatol sa mga nagkakasalang kasapi ng barangay?
a. pinapatay agad
b. tumatawag sa diyos
c. kumukuha ng tagahatol sa kabilang barangay
d. isinasailalim ang nagkasala sa mga pagsubok
243. Ito ay isinasagawa sa pamamagitan ng paghiwa sa bisig gamit ang punyal at pagpapatulo ng dugo sa kopang may alak.
a. katalonan
b. sanduguan
c. saguiguilid
d. pamamahay
244. Ang mga kababaihang nagsisilbing mga espirituwal na pinuno sa sinaunang pamayanang Pilipino ay tinatawag na _____.
a. katalonan
b. sanduguan
c. timawa
d. namamahay
245. Ang aliping _____ ay may sariling bahay at naninilbihan lang sa datu kung may okasyon.
a. timawa
b. sanduguan
c. saguiguilid
d. namamahay
246. Anong paraan ng pagsasaka ang nililinis at sinusunog muna ang burol bago taniman?
a. pag-aararo
b. pagbabakod
c. pagkakaingin
d. pagnanarseri
247. Alin sa mga sumusunod ang HINDI hanapbuhay ng mga sinaunang Pilipino?
a. pagsasaka
b. pangingisda
c. pangangaso
d. pagiging katulong sa ibang bansa
248. Naging tanyag ang mga Pilipino noon dahil sa mga gawaing ito maliban sa isa. Ano ito?
a. pagpapalayok
b. paghahabi
c. paggawa ng sasakyang pandagat
d. paggawa ng kasangkapang elektroniks
249. Ano ang tawag sa sistema ng pakikipagkalakalan noong pre-kolonyal?
a. barter
b. komunismo
c. open trade
d. sosyalismo
250. Ano ang tawag sa gawaing pang-ekonomiko na gumagawa ng mga bagay mula sa metal tulad ng ginto?
a. pangangaso
b. pangingisda
c. metalurhiya
d. paghahabi
251. Alin sa mga sumusunod ang HINDI dalang produkto ng mga Tsino sa bansa?
a. kristal
b. salamin
c. tapayan
d. timbangan
252. Kung ikaw ay nabuhay noong pre-kolonyal at ang iyong trabaho ay paggawa ng mga sandata mula sa bakal, ano ang tawag sayo?
a. karpintero
b. latero
c. mason
d. panday
253. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kalagayan o sitwasyon ng Pilipinas noong prekolonyal o bago dumating ang mga mananakop?
a. may sariling teritoryo
b. may sariling pamahalaan
c. may pananampalatayang Kristiyano
d. may sistema ng pagbasa at pagsulat
254. Ano ang paniniwala ng ating mga ninuno na ang tao, hayop, halaman, bato, tubig, at kalikasan ay may kaluluwa?
a. Animismo
b. Islam
c. Judismo
d. Kristiyanismo
255. Alin sa mga sumusunod ang sinisimbolo ng tattoo o batuk sa katawan?
a. karangyaan
b. kabaitan
c. katalinuhan
d. kagitingan at kagandahan
256. Ano ang tawag sa tagapayo at katulong ng sultan sa pagpapatupad ng batas?
a. Adat
b. Hariraya
c. Ruma Bichara
d. Zakat
257. Ano ang ginawa ng mga barangay para maiwasan ang di-pagkakaunawaan at awayan?
a. Nagkaroon sila ng mga paligsahan.
b. Kapwa sila nanalangin sa mga diyos upang maiwasan ang gulo.
c. Sinakop nila ang ibang barangay upang maging tagasunod ng kanilang datu.
d. Nakipagkasundo ang mga barangay sa isa’t isa sa pamamagitan ng sandugo.
258. Anong kulay ng kangan ang isinusuot ng datu?
a. asul
b. berde
c. itim
d. pula
259. Anong uri ng pamahalaan ang itinatag ng mga Muslim sa Mindanao?
a. pamahalaang lokal
b. pamahalaang lalawigan
c. pamahalaang sultanato
d. pamahalaang pambarangay
260. Alin sa mga sumusunod ang HINDI inihahanda ng pamilya para sa kanilang miyembro na yumao at ililibing?
a. paglilinis sa katawan
b. pagpapadala ng pera at pagkain
c. pagbibihis ng magarang kasuotan
d. paglalagay ng langis sa katawan
261. Sino ang nangunguna sa pagsasagawa ng mga ritwal ng mga Bisaya na pinaniniwalaang tagapamagitan sa mundo, diyos at yumao?
a. babaylan
b. ganbanes
c. pari
d. pomares
262. Ang mga sumusunod ay batas ng Pamahalaang Sultanato MALIBAN sa isa. Alin dito?
a. Adat
b. Sharia
c. Qur’an
d. Ulama
263. Ito ay isang yunit na pampolitika, panlipunan, at pangkabuhayan noong sinaunang panahon sa Pilipinas.
a. bansa
b. barangay
c. lungsod
d. sultanato
264. Nagbubuklod-buklod ang mga barangay at bumubuo ng alyansa sa pamamagitan ng _____.
a. pagdiriwang
b. pag-iinuman
c. paligsahan
d. sanduguan
265. Siya ang kaunaunahang Arabong Muslim na nagtatag ng pamahalaang Sultanato sa Sulu noong 1450.
a. Sharif ul-Hashim o Sayyid Abu Bakr
b. Karim Ul-Makdum
c. Tuan Masha‘ika
d. Raja Baginda
266. Ang Sultanato ay isang sistema ng pamahalaan na batay sa katuruan ng _____.
a. Animismo
b. Islam
c. Judismo
d. Katoliko
267. Upang maging isang datu, kailangang ikaw ay kabilang sa pinakamataas na antas ng lipunan, at kung sultan naman, kailangang ikaw ay _____.
a. matapang at mayaman
b. magaling gumawa ng batas
c. galing sa angkan ni Muhammad
d. galing sa pinakamataas na antas ng lipunan
268. Isang relihiyong naniniwala sa iisang Diyos na tinatawag na Allah.
a. Islam
b. Animismo
c. Hudaismo
d. Kristiyanismo
269. Saan unang lumaganap ang relihiyong Islam sa Pilipinas?
a. Luzon
b. Mindanao
c. Samar
d. Visayas
270. Dumating ang mga Arabong Muslim sa Pilipinas upang _____.
a. bumisita
b. makipaglaban
c. makipagkalakalan
d. manakop
271. Sino ang sinasamba o Diyos ng mga Muslim?
a. Allah
b. Hesus
c. Maria
d. Mohammad
272. Siya ang itinuturing na kauna-unahang nagpakilala ng Islam sa Pilipinas.
a. Janjalani Abdulah
b. Rajah Baginda
c. Sharif Kabungsuan
d. Tuan Masha’ika
273. Ito ay isang uri ng pamahalaang naitatag sa Mindanao ng mga Muslim.
a. barangay
b. sultanato
c. lalawigan
d. rehiyon
274. Siya ang pinakamataas na tao sa Pamahalaang Sultanato.
a. imam
b. pari
c. sultan
d. alkalde
275. Sila ang katulong sa pagpapatupad ng batas ng Islam.
a. abogado
b. pulisya
c. Ruma Bichara
d. Korte Suprema
276. Ang relihiyong Islam ay dala ng mga _____ na Arabong Muslim.
a. maglalayag
b. mangangalakal
c. manggagamot
d. manggagalugad
277. Ano ang tawag sa alpabeto ng mga sinaunang Pilipino?
a. Abakada
b. Alibata
c. Baybayin
d. Latin
278. Ito ang tawag sa isang tao na naniniwala sa Relihiyong Islam.
a. Kristiyano
b. Muslim
c. Budista
d. Hudyo
279. Kailan naganap ang kauna-unahang misa sa Pilipinas?
a. Marso 16, 1521
b. Marso 20, 1521
c. Marso 31, 1521
d. Abril 2, 1521
280. Sino ang pinuno ng Cebu na bininyagan bilang tanda ng pagiging Kristiyano?
a. Lapu-Lapu
b. Rajah Humabon
c. Rajah Kolambu
d. Rajah Sulayman
281. Sino ang pinuno ng mga Espanyol na nagwagi sa labanan sa Cebu at Maynila?
a. Juan Garcia
b. Miguel Lopez de Legazpi
c. Ruy Lopez de Villalobos
d. Saavedra Ceron
282. Ang mga sumusunod ay ang mga lugar na napasailalim sa kapangyarihan ni Legazpi maliban sa isa. Ano ang lugar na ito?
a. Albay
b. Cavite
c. Masbate
d. Mindoro
283. Alin sa mga sumusunod ang HINDI dahilan ng pagtuklas at pananakop ng mga Espanyol?
a. Maging tanyag at makapangyarihan
b. Maipalaganap ang Relihiyong Kristiyanismo
c. Palakasin ang mga mahihinang bansa
d. Makuha ang kayamanan ng mga masasakop na lupain
284. Bago pa man dumating ang mga Espanyol sa Pilipinas ay taglay na ng mga sinaunang Pilipino ang mga sumusunod na maipagmamalaki natin ngayon maliban sa isa. Ano ito?
a. awit at sayaw
b. katapangan
c. pananampalatayang Kristiyano
d. paraan ng pagsulat
285. Ito ay isang pulo sa Pilipinas na pinaniniwalaang lugar kung saan ginanap ang unang misa.
a. Bohol
b. Cebu
c. Limasawa
d. Siquijor
286. Siya ay isang katutubong pinuno sa Cebu na tumanggap kay Magellan at nagpabinyag sa Kristiyanismo noong 1521.
a. Rajah Humabon
b. Rajah Sigala
c. Lapu-Lapu
d. Lakan Dula
287. Siya ang pinuno ng mga katutubo sa Mactan na nakipaglaban at nagtagumpay laban sa mga Espanyol kung saang labanan nasawi si Magellan.
a. Rajah Humabon
b. Rajah Sikatuna
c. Lapu-Lapu
d. Rajah Tupas
288. Kailan nagsimulang palaganapin ang relihiyong Kristiyanismo sa bansa?
a. pagdating ng mga Hapon
b. pagdating ng mga Espanyol
c. pagdating ng mga Amerikano
d. pagdating ng mga Austronesyano
289. Siya ang kauna-unahang pari na nagdaos ng misa sa Pilipinas.
a. Ferdinand Magellan
b. Antonio Pigafetta
c. Andres de Urdaneta
d. Pedro Valderrama
290. Ito ang itinuturing na pinakamatandang kalye sa Pilipinas.
a. Calle Crisologo
b. Colon
c. Kalibo
d. EDSA
291. Ito ang kauna-unahang pamayanang Espanyol na itinatag sa Pilipinas.
a. Cebu
b. Manila
c. Limasawa
d. Tondo
292. Sino ang unang itinalagang pinuno ng Pwersang Militar ng Espanya sa Maynila?
a. Andres de Urdaneta
b. Ferdinand Magellan
c. Martin de Goiti
d. Rajah Matanda
293. Ano ang paraang ginamit ng mga Espanyol na nagdulot ng kahinaan sa mga Pilipino dahil pinag-away nila ang mga kapwa Pilipino?
a. divide and rule
b. kolonyalismo
c. merkantilismo
d. sosyalismo
294. Bakit kailangang pilitin ng mga Espanyol ang mga Pilipino sa bagong paniniwala?
a. Para maging pari din ang mga Pilipino
b. Para sila ang pumunta sa mga bundok
c. Para ganap na maipapatupad ang kolonyalismo
d. Para makakuha sila ng mga agimat sa mga Pilipino
295. Ano ang tawag sa sapilitang pagpapalipat ng mga katutubo sa mga pueblo o sentro ng populasyon?
a. falla
b. polo y servicio
c. reduccion
d. residencia
296. Sa pananakop ng mga Espanyol, ang simbolo ng hukbong sandatahan ay ang _____.
a. espada
b. ginto
c. krus
d. pera
297. Sino ang pinuno ng Cebu nang sakupin ni Legaspi ang kanilang lugar?
a. Humabon
b. Kolambu
c. Lapu-lapu
d. Sulayman
298. Bakit natalo ang mga Pilipino sa pakikipaglaban sa mga Espanyol?
a. duwag sila
b. kulang sila sa armas
c. maawain sila sa dayuhan
d. marunong silang gumamit ng baril
299. Anong simbolong Kristiyano ang ipinatayo ng mga Espanyol para maipalaganap ang relihiyong Kristiyanismo?
a. espada
b. krus
c. simbahan
d. tubig
300. Sa paggawa ng seremonya, ano ang ginamit ng mga Espanyol kapalit ng mga bagay sa kalikasan?
a. imahen ng Pari
b. imahen ng Gobernador
c. imahen ng Santo at Santa
d. imahen ng Hari ng Espanya
301. Ang sapilitang pagpapatupad ng Kristiyanismo ay naging daan para sa _____.
a. kanonisasyon
b. kolonisasyon
c. komunikasyon
d. komunyon
302. Siya ang sumakop sa mga lalawigan ng katimugang Luzon.
a. Antonio Pigafetta
b. Martin de Goiti
c. Miguel Lopez de Legaspi
d. Juan de Salcedo
303. Ano ang katibayang papel na pinanghahawakan ng mga Pilipino na sila ay nagbabayad ng buwis sa Pamahalaang Espanyol?
a. bandala
b. cedula personal
c. listahan
d. resibo
304. Ang taunang quota ng mga produkto sa mga lalawigan na kailangang ibenta ng mga katutubo mula sa kanilang sakahan o ani ay tinatawag na _____.
a. bandala
b. encomienda
c. falla
d. tributo
305. Ang pinakamakapangyarihang opisyal sa bansa sa pamahalaang sentral noong panahon ng mga Kastila ay ang _____.
a. Alcalde Mayor
b. Cabeza de Barangay
c. Corregidor
d. Gobernador-Heneral
306. Ang tawag sa ibinayad na halaga ng isang polistang hindi makapagtatrabaho sa sistemang polo y servicio ay _____.
a. encomienda
b. falla
c. reduccion
d. tributo
307. Ano ang kahalagahan ng Royal Audiencia sa panahon ng Espanyol?
a. Ito ang nagsisilbing hukumang pambarangay noon.
b. Ito ang sumasaklolo sa mga Pilipinong nagkakasala.
c. Ito ang pinakamataas na hukuman sa panahon ng Espanyol.
d. Ito ang nagbibigay ng sweldo sa mga opisyal ng pamahalaan.
308. Sino-sino ang nagtatrabaho sa Polo Y Servicio?
a. ang mga babaeng walang asawa
b. ang mga hindi lumipat sa poblacion
c. ang mga lalaking walang asawa
d. ang mga lalaking 16 hanggang 60 taon
309. Ano ang naging mahalagang paraan na ginamit ng mga Espanyol para magtagumpay ang kanilang pananakop sa bansa?
a. pakikipagkaibigan sa mga katutubo
b. pagbili ng mga produktong gawa ng mga katutubo
c. pagpapalaganap ng relihiyong Kristiyanismo sa mga katutubo
d. paglaban sa mga katutubo gamit ang mga sibat, bangkaw, at iba pa
310. Ano ang paraang ginamit ng mga Espanyol na nagdulot ng kahinaan sa mga Pilipino dahil pinag-away nila ang mga kapwa Pilipino?
a. divide and rule
b. kolonyalismo
c. merkantilismo
d. sosyalismo
311. Ano ang tawag sa sapilitang pagpapalipat ng mga katutubo sa mga pueblo o sentro ng populasyon?
a. falla
b. polo y servicio
c. reduccion
d. residencia
312. Ang _____ ay isang uri ng buwis na ibinabayad ng mga Pilipino mula sa kanilang sariling produkto o ani.
a. bandala
b. galyon
c. polo y servicio
d. tributo
313. Ang _____ ay ang taunang quota ng mga produktong dapat ipagbili sa pamahalaan mula sa mga magsasaka.
a. bandala
b. galyon
c. polo y servicio
d. tributo
314. Ang _____ ay ang tawag sa sapilitang paggawa ng mga Pilipinong 16-60 taong gulang na walang bayad.
a. bandala
b. galyon
c. polo y servicio
d. tributo
315. Ito ay pamahalaang militar na itinatag ng pamahalaang kolonyal upang masiguradong magiging mapayapa ang partikular na teritoryo, kagaya ng Cordillera, at susunod sa mga patakarang Espanyol ang mga nakatira dito.
a. comandancia
b. jihad
c. polo y servicio
d. Royal Audiencia
316. Ito ang tawag sa banal na digmaang inilulunsad ng mga Muslim upang ipagtanggol ang kanilang relihiyon at paraan ng pamumuhay.
a. bandala
b. comandancia
c. jihad
d. polo y servicio
317. Anong katutubong pangkat sa Cordillera ang hindi nasakop ng mga Espanyol dahil kabisado ng mga mandirigmang katutubo ang mga pasikot-sikot sa mga bulubundukin na kanilang tahanan?
a. Badjao
b. Igorot
c. Lumad
d. Tausug
318. Ang _____ ay dulang may salitaan, awitan, at sayawang may romantikong istorya.
a. korido
b. moro-moro
c. sarsuwela
d. senakulo
319. Ang _____ ay dulang tungkol sa labanan ng mga Muslim at Kristiyano.
a. korido
b. moro-moro
c. sarsuwela
d. senakulo
320. Ang _____ ay dulang may kinalaman sa buhay ni Kristo.
a. korido
b. moro-moro
c. sarsuwela
d. senakulo
321. Ang _____ ay isang anyo ng tulang pasalaysay na binubuo ng walong pantig at binibigkas sa kumpas ng martsa o allegro.
a. korido
b. moro-moro
c. sarsuwela
d. senakulo
322. Sino ang bumalangkas sa mga patakarang pangkabuhayan na nakatuon sa pagsasariling ekonomiya ng Pilipinas?
a. Gobernador-Heneral Emilio Terrero
b. Gobernador-Heneral Jose Basco
c. Gobernador-Heneral Miguel Lopez de Legaspi
d. Gobernador-Heneral Primo de Rivera
323. Sino ang nanguna sa pag-aalsa noong 1596 sa Cagayan dahil sa hindi makatarungang pagbubuwis at pagmamalabis sa monopolyo sa tabako?
a. Lagutao at Baladdon
b. Magalat
c. Sumuroy
d. Tamblot
324. Sino ang namuno sa pag-aalsang nangyari sa Kalinga noong 1785 laban sa monopolyo sa tabako?
a. Lagutao at Baladdon
b. Magalat
c. Sumuroy
d. Tamblot
325. Sa ilalim ng kaninong panunungkulan tuluyang ipinatigil ang operasyon ng monopolyo sa tabako?
a. Gobernador-Heneral Emilio Terrero
b. Gobernador-Heneral Jose Basco
c. Gobernador-Heneral Miguel Lopez de Legaspi
d. Gobernador-Heneral Primo de Rivera
326. Ano ang kauna-unahang institusyon ng pananalapi sa Pilipinas?
a. Banco Español-Filipino
b. Bangko Sentral ng Pilipinas
c. Obras Pias
d. Sociedad Economica de Los Amigos
327. Ano ang naunang tawag sa Bank of the Philippine Islands?
a. Banco Español-Filipino
b. Bangko Sentral ng Pilipinas
c. Obras Pias
d. Sociedad Economica de Los Amigos
328. Ito ang banal na digmaan ng mga Muslim.
a. bandala
b. jihad
c. moro-moro
d. pangangayaw
329. Ito ang tradisyon ng pakikidigma at pamumugot ng ulo ng mga katutubong Igorot.
a. bandala
b. jihad
c. moro-moro
d. pangangayaw
330. Si _____ ang Sultan na unang naglunsad ng banal na digmaan laban sa mga Espanyol.
a. Sultan Kudarat
b. Sultan Muhammad Alimuddin
c. Sultan Sharif ul-Hashim
d. Sultan Shariff Muhammed Kabungsuwan
331. Ang pag-alis ng mga Espanyol sa mga karapatan ng mga katutubo na ipinagkaloob sa kanila ni Legazpi at ang pagmamalupit at pagsasamantala sa kanila ay humantong sa pag-aalsa nina _____.
a. Datu Bancao at ang babaylan na si Pagali
b. Don Pedro Almazan at Juan Magsanop
c. Francisco Maniago at Hermano Pule
d. Rajah Sulayman at Lakandula
332. Sina _____ ay lumaban sa Simbahang Katolika ng Leyte at nagtayo ng mga dambana para sa mga anito.
a. Agustin Sumuroy at Pedro Ambaristo
b. Datu Bancao at ang babaylan na si Pagali
c. Diego at Gabriela Silang
d. Rajah Sulayman at Lakandula
333. Sina _____ ay sumuporta sa ipinaglaban ni Andres Malong sa Pangasinan at namuno ng kanilang sariling pag-aalsa sa Ilocos Norte.
a. Agustin Sumuroy at Pedro Ambaristo
b. Datu Bancao at ang babaylan na si Pagali
c. Don Pedro Almazan at Juan Magsanop
d. Rajah Sulayman at Lakandula
334. Sina _____ ay nagnanais na palayasin ang mga Espanyol sa bansa at namuno ng pag-aalsa noong panahon ng pananakop ng mga British sa Maynila.
a. Agustin Sumuroy at Pedro Ambaristo
b. Datu Bancao at ang babaylan na si Pagali
c. Diego at Gabriela Silang
d. Don Pedro Almazan at Juan Magsanop
335. Si _____ ang namuno sa pag-aaklas laban sa polo y servicio sa Samar.
a. Agustin Sumuroy
b. Francisco Dagohoy
c. Francisco Maniago
d. Pedro Ambaristo
336. Si _____ ang namuno sa pag-aalsa sa Mexico, Pampanga laban sa sapilitang paggawa sa mga galyon at sa hindi pagbabayad ng pamahalaan sa mga biniling palay mula sa mga magsasaka.
a. Agustin Sumuroy
b. Francisco Dagohoy
c. Francisco Maniago
d. Pedro Ambaristo
337. Si _____ ang namuno sa tinaguriang pinakamahabang pag-aalsa laban sa mga Espanyol. Ikinagalit niya ang pagtutol ng pari na bigyan ng marangal na libing ang kanyang kapatid.
a. Agustin Sumuroy
b. Francisco Dagohoy
c. Francisco Maniago
d. Pedro Ambaristo
338. Si _____ ay isang babaylan na nagtatag ng isang bagong relihiyon na parang binagong anyo ng Kristiyanismo sa Oton, Panay.
a. Agustin Sumuroy
b. Francisco Maniago
c. Pedro Ambaristo
d. Tapar
339. Si _____ ang namuno sa pag-aalsa sa Ilocos laban sa pagbabawal ng pribadong produksiyon at pagbebenta ng basi, isang uri ng alak mula sa tubo.
a. Agustin Sumuroy
b. Francisco Dagohoy
c. Francisco Maniago
d. Pedro Ambaristo
340. Si _____ ay namuno ng isang pag-aalsa laban sa mga Espanyol dahil tinanggihan siyang maging pari at hindi kinilala ang kanyang samahang Confradia de San Jose.
a. Agustin Sumuroy
b. Francisco Maniago
c. Hermano Pule (Apolinario dela Cruz)
d. Tapar
341. Si _____ ang namuno sa pag-aaklas sa Pangasinan na nag-ugat sa hindi pagbabayad ng mga Espanyol ng kaukulang sahod sa libo-libong katutubong nagtatrabaho sa pagawaan ng barko.
a. Andres Malong
b. Francisco Maniago
c. Francisco Matienza
d. Pedro Ambaristo
342. Si _____ ay namuno sa isang pag-aalsang agraryo dahil sa pang-aagaw ng mga prayle sa mga lupaing pag-aari ng mga magsasaka.
a. Andres Malong
b. Francisco Dagohoy
c. Francisco Matienza
d. Hermano Pule (Apolinario dela Cruz)
343. Bakit nag-alsa sa mga Espanyol si Francisco Dagohoy?
a. dahil gusto niyang ibalik ang dating relihiyong katutubo
b. dahil tinanggihan siyang maging pari sa kadahilanang siya ay isang katutubo
c. dahil tinanggihan ng isang pari na mailibing sa Kristiyanong pamamaraan ang kanyang kapatid
d. dahil kinumpiska ang kanyang mga ari-arian ng mga Espanyol
344. Bakit nag-alsa sa mga Espanyol si Hermano Pule?
a. dahil gusto niyang ibalik ang dating relihiyong katutubo
b. dahil tinanggihan siyang maging pari sa kadahilanang siya ay isang katutubo
c. dahil tinanggihan ng isang pari na mailibing sa Kristiyanong pamamaraan ang kanyang kapatid
d. dahil kinumpiska ang kanyang mga ari-arian ng mga Espanyol
345. Bakit nag-alsa sa mga Espanyol si Pedro Ladia?
a. dahil gusto niyang ibalik ang dating relihiyong katutubo
b. dahil tinanggihan siyang maging pari sa kadahilanang siya ay isang katutubo
c. dahil tinanggihan ng isang pari na mailibing sa Kristiyanong pamamaraan ang kanyang kapatid
d. dahil kinumpiska ang kanyang mga ari-arian ng mga Espanyol
346. Bakit nag-alsa sa mga Espanyol si Tamblot?
a. dahil gusto niyang ibalik ang dating relihiyong katutubo
b. dahil tinanggihan siyang maging pari sa kadahilanang siya ay isang katutubo
c. dahil tinanggihan ng isang pari na mailibing sa Kristiyanong pamamaraan ang kanyang kapatid
d. dahil kinumpiska ang kanyang mga ari-arian ng mga Espanyol
Majority of the questions in this section are from Grade 6 Araling Panlipunan (AP) lessons.
347. Bakit mahalaga sa ating kasaysayan ang pagbukas ng Suez Canal?
a. Dahil naging matagal ang paglalakbay mula Maynila patungong Spain
b. Dahil nakarating sa atin ang kaisipang liberal
c. Dahil naging mahal ang bilihin
d. Dahil naging mayaman ang Pilipinas
348. Alin ang hindi naging salik sa pag-usbong ng nasyonalismong Pilipino?
a. Pagbukas ng Suez Canal
b. Pagdating ng liberal na kaisipan sa Pilipinas
c. Pagbayad ng buwis
d. Pag-alsa sa Cavite
349. Sino ang namuno sa pag-alsa sa Cavite?
a. Mariano Gomez
b. Pedro Pelaez
c. Fernando La Madrid
d. Jose Burgos
350. Ano ang tawag sa mga paring hindi nabibilang sa anumang samahang relihiyoso?
a. regular
b. sekular
c. ilustrados
d. GOMBURZA
351. Sino ang namuno sa Kilusang Sekularisasyon na itinatag upang ipagtanggol ang karapatan ng mga paring sekular sa mga parokya?
a. Mariano Gomez
b. Jose Burgos
c. Jacinto Zamora
d. Pedro Pelaez
352. Kailan nabuksan ang Suez Canal?
a. 17 Nobyembre 1869
b. 31 Disyembre 1869
c. 17 Pebrero 1872
d. 12 Hunyo 1898
353. Kailan ibinitay ang GOMBURZA?
a. 17 Nobyembre 1869
b. 31 Disyembre 1869
c. 17 Pebrero 1872
d. 12 Hunyo 1898
354. Ano ang tawag sa mga anak ng mayayamang Pilipino na nakapag-aral at naging propesyonal?
a. middle class
b. mestizo
c. tsino
d. ilustrado
355. Anong samahan ang itinatag ng mga Pilipinong kabataan na kabilang sa tinatawag na ilustrados?
a. Kilusang Propaganda
b. Katipunan
c. Sekularisasyon
d. La Solidaridad
356. Anong pahayagan ang itinatag ni Graciano Lopez Jaena?
a. Diaryong Tagalog
b. La Solidaridad
c. Kalayaan
d. Katipunan
357. Ano ang tawag sa panahon ng pag-usbong ng mga liberal na ideya sa mga Pilipino?
a. Panahon ng Kalayaan
b. Panahon ng Katapangan
c. Panahon ng Kaliwanagan
d. Panahon ng Kapayapaan
358. Ano ang pinakamahalagang pangyayari na nagpaigting sa galit ng mga Pilipino sa mga Espanyol?
a. Pagbukas ng Suez Canal
b. Pagbitay sa tatlong paring martir
c. Pagpasok ng kaisipang liberal
d. Pag-alis ng parusang paghahagupit
359. Sino ang Gobernador Heneral na naging pantay-pantay ang pagtingin sa mga Pilipino at Espanyol, mahusay ang pakikitungo sa mga tao, at hinikayat ang malayang pamamahayag?
a. Gobernador Heneral Carlos Maria de la Torre
b. Gobernador Heneral Jose Basco
c. Gobernador Heneral Primo de Rivera
d. Gobernador Heneral Rafael Izquierdo
360. Sino ang Gobernador Heneral noong nagkaroon ng pag-alsa sa Cavite at naghatol ng kamatayan sa pamamagitan ng garote sa mga paring GOMBURZA?
a. Gobernador Heneral Carlos Maria de la Torre
b. Gobernador Heneral Jose Basco
c. Gobernador Heneral Primo de Rivera
d. Gobernador Heneral Rafael Izquierdo
361. Anong samahan ang itinatag ng mga ilustrado na humihingi ng reporma sa pamahalaan?
a. Katipunan
b. Kilusang Propaganda
c. La Liga Filipina
362. Anong samahan ang itinatag ni Dr. Jose Rizal noong 3 Hulyo 1892?
a. Katipunan
b. Kilusang Propaganda
c. La Liga Filipina
363. Anong samahan ang itinatag nina Andres Bonifacio noong 7 Hulyo 1892?
a. Katipunan
b. Kilusang Propaganda
c. La Liga Filipina
364. Anong rebolusyon noong 1789 ang nagbigay inspirasyon kay Andres Bonifacio?
a. American Revolution
b. Cuban Revolution
c. French Revolution
d. Mexican Revolution
365. Sino ang unang patnugot ng La Solidaridad?
a. Emilio Jacinto
b. Graciano Lopez Jaena
c. Jose Rizal
d. Marcelo H. del Pilar
366. Sino ang sumulat ng Kartilya ng Katipunan?
a. Emilio Jacinto
b. Graciano Lopez Jaena
c. Jose Rizal
d. Marcelo H. del Pilar
367. Ano ang opisyal na pahayagan ng Katipunan?
a. Diyaryong Tagalog
b. Kalayaan
c. Kartilya
d. La Solidaridad
368. Ano ang pahayagang itinatag ni Marcelo del Pilar noong 1882?
a. Diyaryong Tagalog
b. Kalayaan
c. Kartilya
d. La Solidaridad
369. Ano ang pahayagang inilathala ng mga Pilipinong liberal at Pilipinong mag-aaral sa Espanya? Ang unang isyu nito ay nai-publish noong 1889.
a. Diyaryong Tagalog
b. Kalayaan
c. Kartilya
d. La Solidaridad
370. Ito ang dokumento kung saan nakalatag ang mga tuntunin at prinsipyo ng Katipunan. Nagsilbi itong guidebook para sa mga bagong miyembro.
a. Diyaryong Tagalog
b. Kalayaan
c. Kartilya
d. La Solidaridad
371. Ano ang tawag kay Andres Bonifacio bilang lider ng Katipunan?
a. Komandante
b. Supremo
c. Utak ng Himagsikan
d. Utak ng Katipunan
372. Siya ang tinaguriang Utak ng Katipunan.
a. Andres Bonifacio
b. Apolinario Mabini
c. Emilio Aguinaldo
d. Emilio Jacinto
373. Siya ang tinaguriang Utak ng Himagsikan.
a. Andres Bonifacio
b. Apolinario Mabini
c. Emilio Aguinaldo
d. Emilio Jacinto
374. Sino ang pumalit kay Graciano Lopez Jaena bilang patnugot ng La Solidaridad?
a. Antonio Luna
b. Ferdinand Blumentritt
c. Jose Rizal
d. Marcelo H. del Pilar
375. Aling samahan ang nais wakasan ang pananakop ng mga Espanyol sa pamamagitan ng puwersa o lakas?
a. Kilusang Propaganda
b. Katipunan
c. a & b
376. Ano ang lihim na kilusan na naglalayong wakasan ang pananakop ng mga Español sa pamamagitan ng puwersa o lakas?
a. Katipunan
b. La Liga Filipina
c. Propaganda Movement
d. Sekularisasyon
377. Kailan itinatag ang La Liga Filipina?
a. Hulyo 3, 1891
b. Hulyo 3, 1892
c. Hulyo 6, 1892
d. Hulyo 7, 1892
378. Kailan dinakip si Jose Rizal?
a. Hulyo 3, 1891
b. Hulyo 3, 1892
c. Hulyo 6, 1892
d. Hulyo 7, 1892
379. Kailan itinatag ang Kilusang Katipunan?
a. Hulyo 3, 1892
b. Hulyo 6, 1892
c. Hulyo 7, 1892
d. Agosto 19, 1896
380. Kailan nadiskubre ang Katipunan?
a. Hulyo 3, 1892
b. Hulyo 6, 1892
c. Hulyo 7, 1892
d. Agosto 19, 1896
381. Ito ang kinikilalang petsa ng hudyat ng himagsikan.
a. Hulyo 7, 1892
b. Agosto 19, 1896
c. Agosto 23, 1896
d. Agosto 19, 1898
382. Ang Katipunan ay tinatawag din na Kilusang KKK. Ano ang kahulugan ng KKK?
a. Kataas-taasan, Kagalang-galangang, Kalipunan ng mga Anak ng Bayan
b. Kataas-taasan, Kagalang-galangang, Katipunan ng mga Anak ng Bayan
c. Kataas-taasan, Kagitingang, Katipunan ng mga Anak ng Bayan
d. Kabataan, Kasamahan, Katipunan ng mga Anak ng Bayan
383. Sino ang sumulat ng mga alintuntunin ng Katipunan?
a. Andres Bonifacio
b. Emilio Aguinaldo
c. Emilio Jacinto
d. Jose Rizal
384. Sino ang katipunerong nagbunyag sa lihim na samahan?
a. Apolonio de la Cruz
b. Emilio Aguinaldo
c. Mariano Gil
d. Teodoro Patiño
385. Paano natuklasan ng mga Español ang lihim ng Katipunan?
a. Dumalo ang mga Español sa pagtitipon nito.
b. May nagsiwalat sa mga gawain nito.
c. Nag-alsa ang mga miyembro nito.
d. Namigay ito ng mga polyetos.
386. Bakit napaaga ang pagsiklab ng himagsikan?
a. Namatay si Jose Rizal.
b. Natuklasan ang lihim ng kilusan.
c. Nagkasundo-sundo ang mga pinuno nito.
d. Nakapaghanda ng mabuti ang kasapi nito.
387. Bakit hindi naging matagumpay ang paghihimagsik ng mga Pilipino laban sa mga Español?
a. Wala itong mahusay na pinuno.
b. Hindi malinaw ang layunin nito.
c. Kulang sa pagkakaisa ang mga Pilipino.
d. Kaunti lang ang bilang ng mga Pilipino noon.
388. Ang walong lalawigan na nag-alsa noong panahon ng himagsikan ay ang Cavite, Laguna, Maynila, Bulacan, Tarlac, Batangas, Pampanga, at __________.
a. Mindoro Oriental
b. Nueva Ecija
c. Nueva Vizcaya
d. Quezon
389. Sa Kumbensiyon sa Tejeros, naihalal si Andres Bonifacio bilang _____.
a. pangulo
b. kapitan-heneral
c. direktor ng interior
d. direktor ng digmaan
390. Ang kinikilalang Ama ng Himagsikan ay si _____.
a. Andres Bonifacio
b. Apolinario Mabini
c. Emilio Aguinaldo
d. Emilio Jacinto
391. Sino ang tumutol na bigyan ng puwesto si Andres Bonifacio sa Pamahalaang Rebolusyonaryo?
a. Emilio Aguinaldo
b. Candido Tirona
c. Daniel Tirona
d. Mariano Trias
392. Siya ang kinikilalang Lakambini ng Katipunan.
a. Gabriela Silang
b. Gregoria de Jesus
c. Marcela Agoncillo
d. Tandang Sora
393. Siya ang kinikilalang Grand Woman of the Revolution at Ina ng Balintawak.
a. Gabriela Silang
b. Gregoria de Jesus
c. Marcela Agoncillo
d. Melchora Aquino
394. Siya ang tinaguriang Ina ng Watawat ng Pilipinas.
a. Gregoria de Jesus
b. Marcela Agoncillo
c. Melchora Aquino
d. Tandang Sora
395. Sino ang nahalal bilang Pangulo sa Kumbensiyon sa Tejeros?
a. Andres Bonifacio
b. Artemio Ricarte
c. Emilio Aguinaldo
d. Mariano Trias
396. Sino ang nahalal bilang Pangalawang Pangulo sa Kumbensiyon sa Tejeros?
a. Andres Bonifacio
b. Artemio Ricarte
c. Emilio Aguinaldo
d. Mariano Trias
397. Sino ang nahalal bilang Kapitan-Heneral sa Kumbensiyon sa Tejeros?
a. Andres Bonifacio
b. Artemio Ricarte
c. Emilio Aguinaldo
d. Mariano Trias
398. Sino ang nahalal bilang Direktor ng Interior sa Kumbensiyon sa Tejeros?
a. Andres Bonifacio
b. Artemio Ricarte
c. Emiliano Riego de Dios
d. Mariano Trias
399. Sino ang nahalal bilang Direktor ng Digmaan sa Kumbensiyon sa Tejeros?
a. Andres Bonifacio
b. Artemio Ricarte
c. Emiliano Riego de Dios
d. Mariano Trias
400. Sino ang manunulat at abogado na kasama ni Jose Rizal sa samahang La Liga Filipina at naging patnugot ng diyaryong La Solidaridad?
a. Graciano Lopez Jaena
b. Marcelo H. del Pilar
c. Juan Luna
d. Andres Bonifacio
401. Kailan ang petsa ng pagbaril kay Dr. Jose P. Rizal sa Luneta?
a. June 19, 1896
b. June 19, 1896
c. Disyembre 30, 1896
d. Disyembre 30, 1898
402. Itinatag ni Jose Rizal ang La Liga Filipina noong Hulyo 3, 1892 ngunit naaresto sya makalipas ang 3 araw at kalaunan ay ipinatapon sa Dapitan. Kailan itinatag nina Andres Bonifacio at kanyang mga kasamahan ang Katipunan?
a. isang araw matapos arestuhin si Rizal
b. isang linggo matapos arestuhin si Rizal
c. isang buwan matapos arestuhin si Rizal
d. isang taon matapos arestuhin si Rizal
403. Ano ang naging importanteng lokasyon ng rebolusyon na dito nanalo ang Magdalo sa maraming labanan kontra Espanyol?
a. Bulacan
b. Laguna
c. Cavite
d. Batangas
404. Siya ang nagtatag ng samahang La Liga Filipina at sumulat ng mga nobelang Noli Me Tangere at El Filibusterismo.
a. Andres Bonifacio
b. Apolinario Mabini
c. Emilio Aguinaldo
d. Jose Rizal
405. Idineklara niya ang kalayaan ng iwinagayway niya ang watawat ng Pilipinas sa kanyang bahay sa Kawit, Cavite.
a. Andres Bonifacio
b. Apolinario Mabini
c. Emilio Aguinaldo
d. Jose Rizal
406. Natigil ang Himagsikang Pilipino nang lagdaan ang Kasunduan sa Biak-na-Bato nina Gobernador-Heneral Primo de Rivera at _____.
a. Andres Bonifacio
b. Emiliano Riego de Dios
c. Emilio Aguinaldo
d. Mariano Trias
407. Isa sa mga probisyon ng Kasunduan sa Biak-na-Bato ang pag-alis sa Pilipinas nina Heneral Emilio Aguinaldo at kanyang mga kasama. Saan sila nagtungo?
a. Amerika
b. Hong Kong
c. Inglatera
d. Tsina
408. Tumanggap ng pera mula sa mga Kastila si Emilio Aguinaldo, na aniya’y plano niyang ibibili ng mga armas na gagamitin pagbalik niya sa Pilipinas upang ipagpatuloy ang himagsikan. Magkano ang kanyang natanggap?
a. ₱200,000
b. ₱400,000
c. ₱800,000
d. ₱900,000
409. Naging pangulo siya ng lupon ng kababaihan na – habang patagong nagpupulong ang mga katipunero – kumakanta at sumasayaw upang malihis ang atensiyon ng mga guwardiya sibil, at sa ganitong paraan pinrotektahan ang samahan. Taga-ingat din siya ng mga lihim na dokumento.
a. Gregoria de Jesus
b. Josefa Rizal
c. Melchora Aquino
d. Trinidad Tecson
410. Isa siya sa iilang kababaihan na humawak ng armas at nakipaglaban kasama ng kalalakihan sa rebolusyon sa Bulacan.
a. Gregoria de Jesus
b. Josefa Rizal
c. Melchora Aquino
d. Trinidad Tecson
411. Sa edad na 84, inalagaan niya ang mga sugatang katipunero at nagsilbing pagamutan at tagpuan ang kanyang bahay. Inaresto siya ng guwardiya sibil at sumailalim sa interogasyon ngunit hindi siya nagbunyag ng anumang impormasyon.
a. Marcela Agoncillo
b. Marina Santiago
c. Melchora Aquino
d. Trinidad Tecson
412. Isa siya sa mga kauna-unahang kababaihan na nagpatala noong bilang Katipunerang handang tumulong sa pakikidigma. Maliban sa pagbigay abuloy sa samahan upang sila’y makabili ng mga sandatang pandigma, nagsilbi din siyang kalihim nito at nanguna sa pamamahala sa mga proyektong pinansiyal na tumutustos sa mga gawain ng Katipunan.
a. Josefa Rizal
b. Marina Santiago
c. Melchora Aquino
d. Teresa Magbanua
413. Siya ang binansagang “Joan of Arc ng Kabisayaan” – kilala sa galing niya sa pagbaril at pangangabayo. Namuno siya sa mga grupong gerilya at matagal na lumaban sa digmaang Español at Amerikano. Tumulong din siya sa laban kontra sa mga Hapon; ibinenta niya ang kanyang mga personal na ari-arian upang makabili ng pagkain at mga gamit, na pagkatapos ay ibinigay niya sa mga lokal na gerilya.
a. Marina Santiago
b. Melchora Aquino
c. Teresa Magbanua
d. Trinidad Tecson
414. Kabilang sa mga nakasaad sa Saligang Batas sa Malolos ang sumusunod, maliban sa:
a. pagkilala sa karapatan ng bawat tao
b. libreng edukasyon sa kolehiyo para sa lahat
c. paghihiwalay ng simbahan at estado
d. probisyon tungkol sa kapangyarihan ng ehekutibo, lehislatura at hukuman
415. Unang ipinahayag ang kasarinlan ng Pilipinas noong _____ sa Kawit, Cavite.
a. Hulyo 7, 1892
b. Agosto 23, 1896
c. Disyembre 30, 1896
d. Hunyo 12, 1898
416. Sa pagtatag ni Emilio Aguinaldo ng pamahalaang Pilipino, naging pinunong tagapayo niya si _____.
a. Apolinario Mabini
b. Gregorio del Pilar
c. Julian Felipe
d. Pedro Paterno
417. Ano ang dahilan ng pagtungo ng mga Amerikano sa Pilipinas?
a. ang pagkakasangkot ng Estados Unidos sa himagsikan sa Cuba
b. ang nais nilang magtatatag ng pamahalaang Amerikano
c. ang pagpapalawak ng teritoryo ng Estados Unidos sa Asya
d. ang kabutihan ng kanilang mga puso
418. Kailan nilagdaan ang Kasunduan sa Paris?
a. Disyembre 10, 1896
b. Disyembre 30, 1896
c. Disyembre 10, 1898
d. Disyembre 30, 1898
419. Magkano ang ibinayad ng Estados Unidos sa Espanya kapalit sa pagsuko nito sa Pilipinas?
a. 20 libong dolyares
b. 20 milyong piso
c. 20 milyong dolyares
d. 20 bilyong piso
420. Ano ang naging hudyat sa pagsisimula ng Digmaang Pilipino-Amerikano?
a. ang Kasunduan sa Paris
b. ang pagdeklara ng kalayaan ni Emilio Aguinaldo
c. ang pagpatay ng sundalong si William Grayson ng isang kawal na Pilipino
d. ang pagbomba ng Pearl Harbor
421. Sino ang industriyalistang sinasabing nag-alok na bayaran ang Estados Unidos ng 20 milyong dolyar kapalit ng pagbigay nito ng kalayaan sa Pilipinas?
a. Andrew Carnegie
b. Henry Ford
c. John D. Rockefeller
d. JP Morgan
422. Sino ang tinaguriang Bayani ng Pasong Tirad?
a. Antonio Luna
b. Emilio Aguinaldo
c. Emilio Jacinto
d. Gregorio del Pilar
423. Naniwala ang pamahalaang Amerikano na sa pamamagitan nito, matuturuan at matutulungan ang mga Pilipino na mapaunlad ang kanilang pamumuhay at makapagtatag sila ng sariling pamahalaan.
a. demokrasya
b. makataong asimilasyon
c. pamahalaang militar
d. pamahalaang sibil
424. Siya ang may patakarang ʺAng Pilipinas ay Para sa mga Pilipino.”
a. Douglas MacArthur
b. Elwell Otis
c. George Dewey
d. Willam Howard Taft
425. Ang batas Amerikano na ito ang nagbigay sa mga Pilipino ng karapatan sa malayang pananalita at pagpapahayag, karapatang huwag mabilanggo dahil sa pagkakautang, kalayaan sa pagkakaalipin, at pagiging pantay-pantay sa harap ng batas.
a. Batas Cooper
b. Batas Hare–Hawes–Cutting
c. Batas Jones
d. Batas Tydings–McDuffie
426. Ito ang unang batas Amerikano na nagtatakda ng proseso at petsa para makamit ng Pilipinas ang kalayaan mula sa Estados Unidos, resulta ng OsRox Mission na pinamunuan nina Sergio Osmeña and Manuel Roxas.
a. Batas Cooper
b. Batas Hare–Hawes–Cutting
c. Batas Jones
d. Batas Tydings–McDuffie
427. Ito ay kilala rin bilang Philippine Independence Act.
a. Batas Cooper
b. Batas Hare–Hawes–Cutting
c. Batas Jones
d. Batas Tydings–McDuffie
428. Sino ang Pangalawang Pangulo ng Pamahalaang Komonwelt?
a. Claro M. Recto
b. Manuel L. Quezon
c. Manuel Roxas
d. Sergio Osmeña Sr.
429. Sa panahon ng Pamahalaang Komonwelt, sino ang naging tanyag sa pagpinta tungkol sa pamumuhay sa nayon?
a. Claro M. Recto
b. Felipe Buencamino
c. Fernando Amorsolo
d. Manuel L. Quezon
430. Sino ang tinataguriang Ama ng Wikang Pambansa?
a. Claro M. Recto
b. Felipe Buencamino
c. Fernando Amorsolo
d. Manuel L. Quezon
431. Dahil sa panukala ng Komisyong Taft, ipinagtibay ang Batas Blg. 74 na nagtatakda ng libreng pag-aaral sa mga paaralang bayan. Ang unang nagsilbing guro sa mga paaralang ito ay ang mga _____.
a. gurong Kastila
b. paring Pilipino
c. sumukong Katipunero
d. sundalong Amerikano
432. Noong 1901 may dumating na 600 gurong Amerikano na itinalaga sa iba’t ibang pampublikong paaralan upang magturo sa mga mag-aaral sa pagbasa, pagsulat at aritmetika. Bakit sila tinawag na Thomasites?
a. dahil sila ay mga sundalo
b. dahil sakay sila sa barkong USS Thomas
c. dahil nagturo sila sa Unibersidad ng Sto. Tomas
d. dahil nagkataon na marami sa kanila ang may pangalan na Thomas
433. Kung simbahan ang simbolo ng pananakop ng mga Kastila, ano naman ang simbolo ng pananakop ng mga Amerikano?
a. ginto
b. espada
c. paaralan
d. krus
434. Noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ang mga bansang Japan, Italy, at Germany ay kabilang sa _____.
a. Axis powers
b. Allied forces
c. United Nations
d. NATO
435. Sino ang pinuno ng USAFFE o United States Armed Forces in the Far East nang umatake ang mga Hapones?
a. Chester W. Nimitz
b. Douglas MacArthur
c. Dwight Eisenhower
d. George S. Patton
436. Sino ang Pangulo ng Pilipinas noong sumiklab ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig?
a. Emilio Aguinaldo
b. Manuel L. Quezon
c. Jose P. Laural
d. Sergio Osmeña Sr.
437. Sinong Amerikanong Heneral ang natira upang ipagtanggol ang Corregidor?
a. Chester W. Nimitz
b. Douglas MacArthur
c. George S. Patton
d. Jonathan Wainwright
438. Mga ilang sundalong Pilipino at Amerikano ang sumuko kay Hen. Masaharu Homma ng Japan?
a. humigit sa 20 libo
b. humigit sa 50 libo
c. humigit sa 70 libo
d. humigit sa 100 libo
439. Ilang kilometro ang nilakad ng mga kawawang kawal na Pilipino at Amerikano sa tinatawag na Death March?
a. 150 kilometro
b. 100 kilometro
c. 200 kilometro
d. 75 kilometro
440. Ito ang programang nais ipalaganap ng mga Hapones.
a. Belt and Road Initiative
b. Greater East Asia Co-Prosperity Sphere
c. Land of the Rising Sun
d. United Nations
441. Ito ang tawag sa pulisyang militar ng mga Hapones.
a. gerilya
b. Homma
c. HUKBALAHAP
d. Kempei-tai
442. Ano ang tawag sa mga rebeldeng pangkat na kumalaban sa mga Hapones?
a. gerilya
b. Homma
c. Kempei-tai
d. papet
443. Ang mga magsasakang labis na naghirap at pinaglulupitan sa panahon ng mga Hapones ay nagbuklod-buklod upang ipagtanggol ang kanilang mga sakahan. Ang pangalan ng kilusang binuo nila ay _____.
a. Bagong KKK
b. Hukbo ng Bayan Laban sa mga Hapones
c. New People’s Army
d. USAFFE
444. Lider ng HUKBALAHAP
a. Jesus Lava
b. Jose Banal
c. Luis Taruc
d. lahat ng nabanggit ay tama
445. Bakit labag sa konstitusyon at saligang batas ng Pilipinas ang patakarang Parity Rights sa Estados Unidos?
a. Ito ay isang paraan ng pakikipagkaibigan sa ibang bansa.
b. Ito ay patakarang nag-uutos na tumangkilik sa mga produkto ng ibang bansa.
c. Ito ay isang paraan ng panghihimasok ng makapangyarihang mga bansa sa mga bagong tatag na estado.
d. Ito ay kasunduang nagbibigay ng pantay na karapatan sa mga Pilipino at Amerikano na linangin ang mga likas na yaman ng bansa.
446. Sino ang huling pangulo ng Komonwelt at kauna-unahang pangulo ng Ikatlong Republika ng Pilipinas?
a. Diosdado Macapagal
b. Elpidio Quirino
c. Manuel A. Roxas
d. Sergio Osmeña Sr.
447. Sino ang tinaguriang “Ama ng Industriyalisasyon” sa Pilipinas dahil binigyan niya ng prayoridad ang pagpapaunlad ng ekonomiya sa pamamagitan ng industriyalisasyon?
a. Carlos P. Garcia
b. Diosdado Macapagal
c. Elpidio Quirino
d. Ferdinand E. Marcos
448. Sinong pangulo ang kinikilala bilang “Kampeon ng Masa” dahil sa pagiging malapit niya sa mga ordinaryong tao, pagbukas ng Malacañang para sa lahat, at paniniwalang “kung ano ang nakabubuti sa karaniwang tao ay makabubuti din sa bansa”?
a. Carlos P. Garcia
b. Ferdinand E. Marcos
c. Manuel A. Roxas
d. Ramon Magsaysay
449. Sino ang tinaguriang “Tagapagligtas ng Demokrasya” dahil sa kanyang matagumpay na pagsumpo sa banta ng Hukbalahap at pagkumbinse niya ni Luis Taruc na sumuko?
a. Carlos P. Garcia
b. Elpidio Quirino
c. Ramon Magsaysay
d. Sergio Osmeña Sr.
450. Sinong pangulo ang nagpairal ng “Filipino First Policy” na naghikayat sa mga mamamayan na tangkilikin ang produktong Pilipino?
a. Carlos P. Garcia
b. Diosdado Macapagal
c. Elpidio Quirino
d. Ramon Magsaysay
451. Kilala siya sa pagpapatupad ng Austerity Program sa Pilipinas.
a. Carlos P. Garcia
b. Ferdinand E. Marcos
c. Manuel A. Roxas
d. Sergio Osmeña Sr.
452. Sinong Pilipino ang naging presidente ng United Nations General Assembly at nanalo ng Pulitzer Prize for Correspondence?
a. Benigno Aquino Jr.
b. Corazon Aquino
c. Carlos P. Garcia
d. Carlos P. Romulo
453. Alin sa mga sumusunod na pahayag ay tama?
a. Ang soberanya ay ang pinakamataas na kapangyarihan ng estado na mag-utos sa, at pasunurin ang, mga nasasakupan nito.
b. Ang panlabas na soberanya ay tumutukoy sa kapangyarihan ng estado sa loob ng bansa na mapasunod ang mga nasasakupan nito.
c. Ang panloob na soberanya ay tumutukoy sa kalayaan ng bansa na itaguyod ang mga gawain nito na hindi pinakikialaman ng ibang bansa.
d. Lahat ay tama
454. Nakasaad sa Saligang Batas na sa panahon na nasa panganib ang bansa, ang sinumang mamamayang Pilipino na nasa tamang edad, babae man o lalaki, ay maaaring atasang magbigay ng serbisyong personal, militar, o sibil. Ito ay bahagi ng _____.
a. Karapatang Mamahala sa Nasasakupan
b. Karapatang Ipagtanggol ang Kalayaan
c. Karapatang Mag-angkin ng Ari-arian
d. Karapatang Makipag-ugnayan
455. Sino sa mga sumusunod na pangulo ng bansa ang nagdeklara ng Batas Militar noong 1972?
a. Diosdado Macapagal
b. Manuel A. Roxas
c. Ferdinand Marcos
d. Ramon Magsaysay
456. Ano ang ibig sabihin ng salitang warrant of arrest?
a. Ito ay inilalabas ng huwes ng korte na nagpapahintulot sa pag-aresto ng isang indibidwal.
b. Ito ay inilalabas ng pulis na nagpapahintulot sa pag-aresto ng isang indibidwal.
c. Ito ay inilalabas ng punong-barangay na nagpapahintulot sa pag-aresto ng isang indibidwal.
d. Ito ay isang imbitasyon para sa pagtitipon sa bahay ng isang indibidwal.
457. Ano ang writ of habeas corpus?
a. Ito ay isang proteksiyon mula sa ilegal na pagkakakulong o detensyon.
b. Ito ay pagpapakulong sa mga nagkasalang mamamayan.
c. Ito ay ang mabilis na pag-aresto sa isang indibidwal.
d. Ito ay pagpapalaya sa mga nakakulong.
458. Hinuhuli ang sinumang nagsasalita laban sa pamahalaang Marcos noong panahon ng Batas Militar. Anong karapatan ng mamamayan ang nilabag nito?
a. karapatang bumoto
b. karapatang magmay-ari
c. karapatang mabuhay
d. karapatan sa malayang pamamahayag
459. Sino ang mahigpit na kritiko ni Pangulong Marcos na binaril at namatay habang pababa ito sa eroplano?
a. Lorenzo Tañada
b. Benigno “Ninoy” Aquino
c. Joker Arroyo
d. Jovito Salonga
460. Isa siyang senador na isiniwalat ang mga kamalian ng rehimeng Marcos tulad na lamang ng ma-anomalyang kontrata, kung kaya’t tinagurian siyang “Nation’s Fiscalizer”. Malubha siyang nasugatan sa Plaza Miranda Bombing. Inaresto siya at inakusahang kasabwat sa mga nagpaplanong patayin si Marcos.
a. Lorenzo Tañada
b. Benigno “Ninoy” Aquino
c. Joker Arroyo
d. Jovito Salonga
461. Anong proklamasyon ang nagbigay-bisa sa pagdeklara ng Batas Militar?
a. Proklamasyon Bilang 1800
b. Proklamasyon Bilang 1081
c. Proklamasyon Bilang 1091
d. Proklamasyon Bilang 2000
462. Kailan nilagdaan ni Pangulong Marcos ang proklamasyon ng Batas Militar?
a. Setyembre 12, 1972
b. Setyembre 21, 1972
c. Setyembre 21, 1927
d. Setyembre 21, 1986
463. Paano ipinakita ng mga Pilipino na ninais nilang makamit muli ang demokrasya?
a. Nagkaisa sila sa pagtitipon sa mga kalsada.
b. Nagpadala sila ng suporta tulad ng pagkain, gamot at tulong sa mga nagpoprotesta.
c. Nag-alay sila ng dasal para sa mga nagpoprotesta.
d. Lahat ng nabanggit ay tama.
464. Ano ang pangalan ng pinakamalakas na bagyo sa kasaysayan na tumama sa Pilipinas noong 2013?
a. Bagyong Linda
b. Bagyong Yolanda
c. Bagyong Yvette
d. Bagyong Ruping
465. Anong bansa ang malakas na katunggali ng Pilipinas sa isyu ng teritoryo sa West Philippine Sea?
a. Vietnam
b. Singapore
c. Malaysia
d. China
466. Ito ay suliraning tumutukoy sa mga likas na sakuna sa ating bansa.
a. droga
b. kahirapan
c. kalamidad
d. korapsyon
467. Ito ay tumutukoy sa katiwalian ng mga opisyal ng pamahalaan at nongovernment organizations.
a. droga
b. kahirapan
c. kalamidad
d. korapsyon
468. Ito ay ang suliraning nakakasira sa kaisipan at kinabukasan ng mga taong nahuhumaling dito.
a. droga
b. kahirapan
c. kalamidad
d. korapsyon
469. Ang ugat ng suliraning ito ay kawalan ng trabaho, kakulangan ng edukasyon, mabilis na paglobo ng populasyon at ang hindi paglago ng sektor ng agrikultura.
a. droga
b. kahirapan
c. kalamidad
d. korapsyon
470. Bakit madalas na dinadaanan ng bagyo ang ating bansa?
a. dahil sa lokasyon ng ating bansa sa Pacific Ring of Fire
b. dahil sa lokasyon ng ating bansa sa polar region
c. dahil sa lokasyon ng ating bansa sa temperate zone
d. dahil sa lokasyon ng ating bansa sa tropical zone
471. Alin sa mga sumusunod ang HINDI nagpapakita ng paglabag ng karapatang pantao?
a. pag-agaw sa ari-arian ng isang tao
b. pag-aresto at pagkulong sa isang tao ng walang warrant of arrest
c. pagboto sa taong nais mong mahalal sa isang pwesto sa pamahalaan
d. pagtawag na terorista sa isang tao o organisasyon na walang sapat na ebidensya o batayan
472. Alin sa mga sumusunod ang programa ni Pangulong Ramos?
a. Philippines 2000
b. Expanded Value Added Tax
c. JEEP
d. 4Ps
473. Sinong pangulo ng Pilipinas ang humarap sa impeachment trial?
a. Joseph Estrada
b. Benigno “Noynoy” Aquino III
c. Cory Aquino
d. Fidel V. Ramos
474. Sinong pangulo ang nagpatupad ng K-to-12 Program bilang reporma sa edukasyon?
a. Joseph Estrada
b. Benigno “Noynoy” Aquino III
c. Cory Aquino
d. Fidel V. Ramos
475. Bakit kinakailangang magbayad ng buwis ang bawat mamamayan?
a. dahil ito ang magpapayaman ng mga nasa gobyerno
b. dahil ito ang susi ng karunungan
c. dahil mahal natin ang ating bayan
d. dahil dito kinukuha ang gastos sa mga proyekto ng pamahalaan at iba pang pangangailangan ng bansa
476. Bilang isang mag-aaral, paano ka makatutulong sa paglutas ng mga suliranin sa kapaligiran?
a. magbayad ng buwis
b. magtanim ng mga punong kahoy sa bundok
c. magsimba tuwing araw ng Linggo
d. makinig sa mga balita sa radio
BONUS QUESTIONS
477. Ano ang pinakamahabang ilog sa Pilipinas?
a. Agusan River
b. Cagayan River
c. Pasig River
d. Rio Grande de Mindanao
478. Saan natuklasan ng grupo ng mga arkeologo sa pangunguna nina Robert Fox at Manuel Santiago ang labi ng pinakaunang kilalang tao (Homo sapiens) sa Pilipinas?
a. Bataan Cave
b. Cagayan Cave
c. Mindoro Cave
d. Tabon Cave
479. Sino ang sinasabing unang gumagawa ng mga kanyon sa Pilipinas?
a. Lakan Dula
b. Magat Salamat
c. Panday Pira
d. Sultan Kudarat
480. Sino sa sumusunod ang tinatawag na “hitanong dagat” (o sea gypsies)?
a. Badjao
b. Gaddang
c. Ivatan
d. Tausug
In the printable files available for download below, the questions have been divided into four: Set A, Set B, Set C, and Set D. The answer keys are found on the last pages of the PDFs.
These are all free for personal use and to share with your class. We hope these will help you with your studies, and if you’ve benefited at all from anything on this site, its our hope that you find a way to pay it forward in the future.
Good luck!
LEARNING AND GROWING
Learning / Education
Financial Education for Kids
Inspiration for Kids
LEARNING ABOUT THE WORLD
Books
Environmental Issues
Philippine Heritage and Culture
World History, Arts and Culture