Quick introduction to pang-uri (adjectives) -- including 550 examples of pang-uri, 100 halimbawa sa pangungusap (examples in sentences), and free printable/live worksheets to help learners at all levels master pang-uri.
Ang pang-uri ay salitang naglalarawan o nagbibigay turing sa mga pangngalan o panghalip.
An adjective is a word that describes or modifies a noun or a pronoun.
Halimbawa: Si Ed ay matapang.
Example: Ed is brave.
At the end of this page — after the worksheets section — you can find a list of over 500 pang-uri that you can use when you make your own sentences with adjectives.
In the drop-down tab below, you can find 100 Filipino/Tagalog sentences that contain at least one pang-uri. Some are simple sentences while others have a more complex structure. Use them as a model for making your own sentences.
100 Halimbawa ng Pang-uri sa Pangungusap (Examples of Pang-uri in a Sentence)
Akala mo ba madali lang ‘yon?
Ang bagyong Yolanda ay isa sa mga pinakamabagsik sa kasaysayan ng buong mundo.
Ang kaibigang matapat ay isang biyaya.
Ang mahal naman niyan!
Ang mahalaga, magkasama ang buong pamilya.
Ang taong totoong matalino hindi kailangang magyabang.
Ang trabaho ng mga basurero ay marangal kahit marumi.
Anu-ano ang mga alam mong wikang banyaga?
Ayoko ng taong pa-iba-iba ang sinasabi.
Bagay sa iyo ang suot mo.
Bakit ka malungkot?
Bilib ako kay Simeon dahil kalmado lang sya kahit halatang hirap na hirap na.
Bilib talaga ako sa mga batang magalang.
Binansagan nilang “Pambansang Kamao” si Manny Pacquiao.
Handa na kami.
Hikain kasi siya, kaya hindi siya pwede sa mga maalikabok na lugar.
Hindi ba mapanganib sa gubat?
Hindi baleng luma ang damit basta malinis lang.
Hindi makatarungan ang ginawa nila sa kanya.
Hintayin na lang natin ang opisyal na pahayag.
Huwag kang matakot, maamo yang aso namin.
Huwag kang pumunta sa mga liblib na lugar.
Ikaw ba ang kauna-unahang doktor sa pamilya ninyo?
Inaasahang magiging maalinsangan sa susunod na mga araw.
Iniisip nya lang ang pansariling kapakanan.
Ipagpatuloy mo iyang pagiging masungit mo kung gusto mong wala kang kaibigan.
Ipinahiwatig niya ang kanyang taos-pusong pasasalamat.
Kahanga-hanga ang mga proyekto niya para sa mga mangingisda.
Kahawig ni Tatay si Kuya Carlo.
Kapag libre ang isang bagay, minsan hindi pinapahalagahan.
Kapag maawain ang bata, malamang mababait din ang mga magulang.
Kawawa naman si Tatang. Matanda na nga at mahina ang katawan, nagkasakit pa.
Kayang-kaya basta’t sama-sama.
Kulang ng bente ang sukli ko.
Kung meron lang sana akong mahiwagang bato!
Layunin nating maging isang bansang maka-Diyos, makatao, makakalikasan at makabansa.
Lingid sa kaalaman nang marami, ang Antarctica ay isang desyerto.
Maaasahan talaga iyan si Pedro.
Maaga pa ang pasok ko bukas.
Mababaw lang ang kaligayahan ko.
Mabilis at mabisa ang inireseta nyang gamot.
Mabuti kung ganoon.
Mahaba na ang buhok ni Ate.
Mahilig ako mga pagkaing maasim at maanghang.
Mahimbing ang tulog ng bata.
Mahirap ang trabaho ng isang siyentipiko.
Malabo na ang paningin ni lola.
Mali ang nasagot ko sa pagsusulit.
Maligayang pasko at masaganang bagong taon!
Mapalad ang may responsableng mga anak.
Maraming salamat sa inyong walang-sawang pagsuporta.
Masarap ang ulam namin.
Masaya ako kapag ang mga estudyante ko ay masipag at matulungin.
Masaya na ako sa simpleng buhay.
Masikip sa tren kanina kasi papauwi na ang mga tao.
Masyadong mahal ang mga bilihin ngayon.
Mataas ang respeto ko sa mga taong matagumpay ngunit mapagkumbaba.
Matalas ang pandinig ni Aling Marites.
Maulan ngayon sa kabundukan, pero dito sa amin, maulap lang.
May malubhang karamdaman si Oyo.
May mga tao talagang makitid ang utak.
Meron ka bang kahit isang matalik na kaibigan?
Mumurahin lang ito pero matibay at pulido ang pagkagawa.
Nagdala siya ng pansit Malabon.
Naglalaro ang tatlong bata.
Nakakahiya naman sa iyo.
Nakakatawa ba ang sinabi ko?
Naku, mahabang usapan iyan.
Nakuha niya ang gintong medalya.
O, bakit matamlay ka ngayon? Nakapag-almusal ka ba?
Pabugso-bugso ang ulan kanina.
Pagbalik ko, dapat makinis at makintab na ang sahig.
Pagod na ako sa kakalaba ng mga damit namin.
Palaaway talaga iyang si Anita, akala mo kung sinong maganda.
Palatawa lang iyan si Kiko pero matindi rin ang pinagdaanan niyan.
Paliko-liko kasi ang homilya ni Father, kaya ayon, dalawang oras kami sa simbahan.
Pangarap kong maging maginhawa ang buhay namin.
Pansamantala lang ang paghinto ng pagtatayo ng gusali.
Para sa karagdagang impormasyon, i-click ninyo ang link na ito.
Pasensya na, kapos lang talaga sa pera.
Pinakaayaw ko talaga ang taong tamad.
Pumunta tayo kung saan presko ang hangin.
Sa awa ng Diyos, malusog ang pamangkin kong bagong-silang.
Saan ba makakabili ng lechon Cebu?
Sabik na akong makita ka.
Sakitin talaga ang kapatid niya kaya nag-iingat sila.
Sana pantay-pantay ang pagtrato sa lahat ng estudyante at hindi pinapaboran ang mga galing sa prominenteng pamilya.
Sanay ako sa mahirap na trabaho.
Si Gigio ay matangkad at matipuno.
Si Mia ang pinsan kong maliit at malikot.
Siya ang nag-iisang anak ng aming punongguro.
Siya ay isang kilalang artista sa bansa nila.
Siya ay karapat-dapat maging pangulo.
Takot ka ba sa multo?
Tapos na ba yung paborito mong teleserye?
Tinuruan ako ng mga magulang ko na maging matipid at masinop.
Ulirang ina si Nanay Rosa.
Umiiwas ako sa mga taong suplado.
Wala ka bang naramdamang kakaiba nang dumaan tayo sa bahay na iyon?
Walang taong lasing na umaamin.
Worksheets
Note on the Worksheets
You can reduce the size of the worksheet by zooming out your browser screen. For Windows users, scroll down the mouse wheel while pressing the Ctrl key in your keyboard. If there are any errors/glitches, just refresh and try again.
550 Halimbawa ng Pang-uri / A Comprehensive List of Filipino Adjectives
A
abala
aburido
abusado
agaw-buhay
agrabyado
agresibo
akma
aktibo
aktuwal
alanganin
alerto
alinsabay
alisto
angkop
antukin
anuwal
araw-araw
armado
arogante
artipisyal
atrasado
B
bagay
bago
baguhan
bakante
balat-sibuyas
baldado
bale-wala
bali
baligtaran
baliktad
balisa
baliw
baluktot
banal
banayad
bantog
barado
basa
basag
bastos
batikan
bawal
bibo
bigla
bigo
bihasa
bihira
bilog
bingi
bitin
biyak
buhay
bukas
bukod-tangi
bulok
bungi
buntis
buo
busog
butas
D
dakila
dalisay
dapat
dati
delikado
deretso
desente
desidido
desperado
detalyado
determinado
dilat
dilaw
direkta
dominante
duling
durog
duwag
E
edukado/a
edukasyonal
ekonomiko
eksaherado
eksakto
eksklusibo
eksplosibo
elegante
emosyonal
engrande
epektibo
espesyal
espirituwal
G
galit
ganado
ganap
garantisado
garapal
gasgas
gastador
giniling
gipit
gising
grabe
gulatin
gusot
gutay-gutay
gutom
guwapo
H
habang-buhay
halata
halu-halo
hamak
hambog
handa
hangal
hati
hilaw
hinog
hiram
hirap
hiwalay
hiyang
hubad
huli
huwad
I
iba
iba-iba
ignorante
iisa
ilegal
imoral
imortal
importante
inaantok
inip
inosente
interesado
inutil
itim
iyakin
K
kaakit-akit
kaawa-awa
kaaya-aya
kabado
kagalang-galang
kagimbal-gimbal
kahambing
kahanga-hanga
kahawig
kahilera
kahina-hinala
kaisa-isa
kakaiba
kalbo
kalmado
kapaki-pakinabang
kapani-paniwala
kapareho
kapos
karagdagan
karaniwan
karapat-dapat
katabi
katakam-takam
kataka-taka
katakot-takot
katamtaman
katapat
katawa-tawa
katumbas
kauna-unahan
kaunti
kawawa
kilala
kitang-kita
kulang
kulot
kumpleto
kupas
kusa
L
labis
laganap
lantad
laos
lasing
liblib
libre
ligaw
ligtas
lihim
likas
limitado
lingguhan
lingid
listo
literal
luma
luntian
M
maaasahan
maaga
maalalahanin
maalat
maalikabok
maalinsangan
maamo
maanghang
maaraw
maasikaso
maasim
maawain
maayos
mababa
mababaw
mabagal
mabagsik
mabaho
mabait
mabangis
mabango
mabigat
mabilis
mabisa
mabuti
madalang
madalas
madaldal
madali
madamot
madasalin
madilim
madugo
madulas
madumi
madungis
magaan
magalang
magaling
maganda
magara
magaspang
magastos
maginaw
maginhawa
maginoo
magiting
magkamukha
magpakailanman
magulo
mahaba
mahabagin
mahal
mahalaga
mahalimuyak
mahangin
mahapdi
mahigpit
mahimbing
mahina
mahinahon
mahinhin
mahirap
mahiwaga
mahiyain
mahusay
maigi
maigsi
maikli
mainam
maingat
maingay
mainit
maitim
makabago
makabayan
makabuluhan
maka-Diyos
makaluma
makapal
makapangyarihan
makasarili
makasaysayan
makatao
makatarungan
makati
makatwiran
makinis
makintab
makipot
makisig
makitid
makulay
makulit
makupad
malabo
malagim
malagkit
malakas
malaki
malala
malalim
malambing
malambot
malamig
malandi
malansa
malapad
malapit
malapot
malawak
malaya
malayo
mali
maligaya
maliit
malikot
maliksi
malinamnam
malinaw
malinis
maliwanag
malubha
malumanay
malungkot
malupit
malusog
malutong
maluwag
manhid
manipis
mapait
mapalad
mapanganib
maparaan
mapayapa
mapilit
mapurol
maputi
maputik
maputla
marahas
marami
marangal
marikit
marunong
masagana
masakim
masakit
masaklap
masalapi
masalimuot
masama
masarap
masaya
masayahin
maselan
masigla
masikip
masinop
masipag
masungit
masunurin
masustansiya
masuwerte
mataas
mataba
matabang
matagal
matagumpay
matakaw
matalas
matalik
matalino
matamis
matamlay
matampuhin
matanda
matangkad
matangos
matapang
matapat
matarik
matatag
matatakutin
matibay
matigas
matindi
matingkad
matinik
matino
matipid
matipuno
matiwasay
matiyaga
matulin
matulis
matulungin
maulan
maulap
maunawain
maunlad
mayabang
mayaman
mayumi
misteryoso
mistula
moderno
mumurahin
munti
mura
N
nag-iisa
nakakaakit
nakakaaliw
nakakaawa
nakakahiya
nakakalito
nakakapagod
nakaraan
nakakatawa
nakakalito
nararapat
natural
O
opisyal
ordinaryo
orihinal
P
pabago-bago
pabaya
pabugso-bugso
pagod
palaaway
palabas
palatawa
palibut-libot
paliku-liko
pambabae
pambansa
pambata
pambihira
pamilyar
panandalian
panatag
pandaigdig
pandak
pangalawa
pang-araw-araw
panghabang-buhay
panghinaharap
pangit
pangkabuhayan
pangkaraniwan
pangunahin
panibago
panis
panlabas
panlalaki
panlipunan
panloob
pansamantala
pansarili
pantay
pantay-pantay
patag
patas
patay
paulit-ulit
payat
perpekto
personal
pihikan
pilyo/a
pinagpala
posible
positibo
praktikal
prangka
presko
pribado
prominente
publiko
pula
pulido
puno
puro
R
relihiyoso
responsable
romantiko
S
sabik
sakitin
salbahe
sama-sama
samut-samot
sanay
sang-ayon
sangkatutak
sapat
sapilitan
sarado
sari-sari
sariwa
sawa
sawi
sayang
seryoso
sigurado
siksik
simple
singkit
sira
sobra
sosyal
suplado/a
suwabe
suwail
suwapang
T
tagilid
tahimik
taimtim
takot
talo
tama
tamad
tanyag
taos-puso
tapat
tapos
tiwali
tiyak
totoo
tugma
tulala
tuliro
tuluy-tuloy
tumpak
tunay
tuwid
tuyo
U
uhaw
uliran
una
W
wagas
wala
walang-awa
walang-galang
walang-hanggan
walang-hiya
walang-kuwenta
walang-sawa
walang-takot
wasak
wasto
Y
yupi
FAQs
What is pang-uri in English? Adjective
What is kayarian ng pang-uri? “Yari” (the root word of kayarian) means structure, so “kayarian ng pang-uri” refers to the structure of the adjective. Just like the kayarian ng pangngalan, there are four kayarian ng pang-uri: payak, maylapi, inuulit, and tambalan.
Pang-uri ba ang masaya? Yes. “Masaya” means happy, which is an adjective (pang-uri) because it is used to describe a noun or pronoun. However, it can also be used as an adverb; example: “Masayang nagtatrabaho si Maria” (Mary works happily).
Pang-uri ba ang marami? Yes. “Marami” means many, which is an adjective (pang-uri) because it is used to describe the quantity of a noun or pronoun.
Ano ang halimbawa ng pang-uri na nagsisimula sa letrang a? Pang-uri (adjectives) that start with letter “a” include: abala, akma, aktibo, alanganin, alerto, alisto, angkop, antukin, araw-araw, artipisyal.
Ano ang halimbawa ng pang-uri na nagsisimula sa letrang e? Pang-uri (adjectives) that start with letter “e” include: edukada, eksakto, eksklusibo, elegante, engrande, epektibo, espesyal.
Ano ang halimbawa ng pang-uri na nagsisimula sa letrang n? Pang-uri (adjectives) that start with letter “n” include: nag-iisa, nakakaaliw, nakakaawa, nakakahiya, nakakalito, nakakapagod, nakaraan, nakakatawa, nakakalito, nararapat
Ano ang halimbawa ng pang-uri na nagsisimula sa letrang o? Pang-uri (adjectives) that start with letter “o” include: opisyal, ordinaryo, orihinal.
Ano ang halimbawa ng pang-uri na nagsisimula sa letrang r? Pang-uri (adjectives) that start with letter “r” include: relihiyoso, responsable, romantiko
Ano ang mga posibleng pang-uri tungkol sa pamilya? Pang-uri (adjectives) that can be used to describe a family (pamilya) include: buo, kumpleto, mahirap, makapangyarihan, malaki, maliit, masaya, matatag, mayaman, prominente.
Did you enjoy these pang-uri worksheets? See all our free printable and interactive worksheets here: