Pangunahing Direksyon, Pangalawang Direksyon, Compass Rose, and North Arrow
A quick lesson and 4 free worksheets on the pangunahing direksyon, pangalawang direksyon, the compass rose, and the north arrow in the Philippine context.
May apat na pangunahing direksyon na ginagamit sa pagasasabi ng kinalalagyan ng isang lugar. (There are four cardinal directions used to indicate the location of a place.)
Ang mga pangunahing direksyon na ito ay ang (these four cardinal directions are):
hilaga (north)
timog (south)
silangan (east)
kanluran (west)
Sa pagitan ng mga pangunahing direksyon ay ang mga pangalawang direksyon (between the cardinal directions are the intermediate/ordinal/intercardinal directions):
hilagang-kanluran (northwest)
hilagang-silangan (northeast)
timog-kanluran (southwest)
timog-silangan (southeast)
Kung titingnan mo ang isang mapa, kalimitan ay may makikita kang compass rose sa isang bahagi nito. (If you look at a map, you will usually see a compass rose.)
Ang compass rose ay isang sagisag (o simbolo) na ginagamit bilang instrumento sa pagtukoy ng direksyon sa mapa. Nagsasaad ito sa oryentasyon ng mapa — kung saan banda sa mapa ang hilaga, kanluran, silangan, at timog. (A compass rose is a symbol used to indicate the directions in the map. It shows the map’s orientation — where north, west, east, and south are.)
May mga mapa na walang compass rose; sa halip, mayroon itong isang arrow lamang na nagtuturo sa direksyong hilaga. Kung ito ay nakaturo pataas, ang gawing kanan ay ang silangan, ang kaliwa ay ang kanluran, at ang katapat ng hilaga ay ang timog. Ang tawag ng arrow na ito ay ang north arrow. (Some maps don’t have a compass rose; instead, they have an arrow that points north. If the arrow is pointing upwards, then east is to the right, west is to the left, and the direction opposite north is south. This arrow is called the north arrow.)
Kahit sa mga elektronik na mapa kagaya ng Google Maps, may makikita kang arrow, kung saan ang pulang bahagi ang tumuturo sa direksyong hilaga. Nakatutulong ito lalo na kung pinapa-ikot mo ang mapa at hindi na ang hilaga ang nasa itaas. Kung gusto mong bumalik ang mapa sa orihinal na oryentasyon nito kung saan ang hilaga ang nasa taas at ang timog ang nasa ibaba, maaari mo lamang pindutin ang arrow, at babalik ang mapa sa karaniwan nitong itsura. (Even in electronic maps such as Google Maps, you can see an arrow, the red part of which points north. This helps especially when you rotate the map and north is no longer upwards. If you want the map to go back to its original orientation where north is upwards and south is downwards, you only have to press the arrow, and the map will go back to its usual appearance.)
Mga Direksyon Worksheets
Note on the Worksheets
You can reduce the size of the worksheet by zooming out your browser screen. For Windows users, scroll down the mouse wheel while pressing the Ctrl key in your keyboard.
Pangunahing Direksyon at Pangalawang Direksyon Worksheet for Grade 3
Write the pangunahing direksyon and the pangalawang direksyon in the correct boxes.